Weird Feeling

291 2 0
                                    

Irene pov:

"Good morning" sabay kiss sa noo ko.

Naalimpungatan ako kaya naman gumising na ako. Mukha ng babaeng maganda ang nabungaran ko... si mijoo

"Walang good sa morning ko pag mukha mo ang nakikita ko" pag susungit ko sa kanya.

"Aww ang hard naman ng baby ko" sabi niya sa akin habang naka ngiti ng nakakaloko.

"Baby your ugly face" iritang sabi ko sa kanya.

"ganda" sabi niya.

"Thank you" pero nag smirk lang siya..

"Ganda...ng mukha KO"
Abat walang hiya talaga to.

"Conceited much?"

"Just stating the fact" proud na sabi niya.

Inirapan ko nalang siya. Ayoko ng humaba pa ang usapan namin. Di rin naman ako mananalo sa kanya. Saka totoo namang maganda siya eh.

Edi siya na maganda hmp!

"Kinakausap mo nanaman sarili mo" sabi niya.

"Paki mo ba? Eh sa mas magandang kausap ung sarili ko kesa sayo eh" sabay belat ko sa kanya.

"Para kang bata." Nakangiting sabi niya.

"Hmp!" Tumalikod na ako sa kanya at gumayak narinig ko namang lumabas na siya.

Bahala siya sa buhay niya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nagluluto kaya naman instead na lapitan siya ay sumandal nalang ako sa pader habang nakatingin sa kanya.

Biruin mo yun? Yung multong dapat kong tulungan heto at pinag luluto ako... alam ko na mawawala din siya sakin kaya ngayon palang dapat patayin ko na ang nararamdaman ko sa kanya.

Dapat ko ng makita ang katawan niya para makabalik na siya.

"Hey i cook a breakfast for you" she said with a smile in her face.

Lumapit na ako sa kanya at tiningnan ang niluluto niya.

"Sinigang?" My favorite!

"Ayaw mo ba neto? Gusto mo bang iba nalang?" Malungkot na sabi niya

"NO! I mean it's my favorite" nakatingin lang ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin... ang lamig niya

Parang may mga butterfly sa loob ng stomach ko at may electricity din...

Mali to Irene! Masasaktan ka lang sa huli! saka sure naman akong makakalimutan niya ako pagbalik niya sa katawan niya.

Wag kang selfish Irene... hayaan mo siyang lumigaya

"Irene? Bat ka umiiyak?" Nag aalalang sabi niya.

Umiiyak na pala ako.
Pinunasan ko ang aking mga luha at ngumiti ng pilit sa kanya. Akmang yayakapin na niya ako pero tumakbo na ako palabas ng apartment.

Kailangan ng matigil tong kahibangan ko. Kailangan kong magparaya. Meron na siyang mahal kaya kahit bumalik siya sa katawan niya hindi parin kami pwede.... at worst wala siyang maaalala.

Alam kong hinahabol niya ako pero sige parin ako sa pag takbo at patuloy na tumutulo ang luha ko ng biglang may nabangga ako.

"WHAT THE HE--- Irene?! Oh my gosh why are you crying baby?" Nag aalalang tanong sakin ni Aud. Siya ang nabangga ko buti nalang at ayos na kami dahil kung hindi nako baka ilublob niya ako sa kanal. Yuckies

"O-okay lang *sob* a-ako" pinilit kong makapag salita.

"No, your not okay. Tell me why are you crying baby?" baby siya ng baby para siyang si--- ay nevermind. pinunasan ko ang luha ko at ngumiti ng pilit sa kanya saka ako tumango. Tinulungan niya akong tumayo at nag lakad kami sa malapit na park dito...

Sa di kalayuan nakita ko si Mijoo na nakatingin saakin at halatang nag aalala. Ang sama ng tingin niya kay Ate Audrey? Baka guni guni ko lang.

"Baby now explain" mautoridad na sabi ni ate Aud. ( audrey)

"Uhmm, ung sinabi ko po na nakakakita ako ng multo... isang araw may multo na nang hihingi sakin ng tulong. Maganda siya at ang bait minsan naman inaasar niya ako. Ng dahil sa kanya tumibok ng mabilis ang puso ko at parang may butterfly sa stomach ko." Huminto muna ako at tumingin sa kanya...

"Nainlove ka baby" siguradong sabi niya sakin. Tumango ako dapat ay mag sasalita siya ulit pero inunahan ko na siya.

"Pero mali diba? Na comatose lang siya AT kahit na bumalik siya sa katawan niya hindi niya na ako maaalala. Ang malala ay may naaalala siya tungkol sa isang babae na sinabihan niya ng 'mahal na mahal kita' at sabi niya sigurado daw siyang girlfriend niya yun kaya walang wala na ako" malungkot na pahayag ko. Hindi na siya nag salita pa at niyakap niya na ako..

"Alam ko kung anong pakiramdam ng ganyan" malungkot na sabi niya. Nagtaka naman ako.

"Nakakakita karin ng multo?" Medyo manghang sabi ko.

"dati Irene dati..." mapaklang sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya ng mag salita siyang muli. "Kaya itigil mo na iyan dahil paniguradong magagaya ka lang saakin baby irene and I don't want to see you sad." sabi niya sakin.

"Alam ko po" malumay na sabi ko.

Tama naman siya eh ako lang ang masasaktan. Ng tumingin ako ulit sa pwesto ni Mijoo andun parin siya at nakatingin samin. Nung nakita niya akong nakatingin sa kanya ay ngumiti siya sakin.

Hindi ko alam kung narinig niya ang napag usapan namin ni ate Aud.

"Uwi na tayo. Hatid na kita ha at bawal tumanggi" sabi niya sakin. tumango nalang ako.

Pagkahatid niya at natulog na ako sa kama ko. Alam ko naman na uuwi narin si Mijoo.

My Lovely GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon