Chapter 10

212 1 0
                                    

Irene pov:

Nandito kami nila Mijoo sa apartment ko. Namiss na daw kasi niya dito eh. Nakwekwento rin pala niya ako kay Clarity. Ang ganda at ang bait niyang bata halatang maganda ang pagpapalaki niya kay Clarity. Nalaman ko rin na magkasing edad lang sila ni baby Ar-Ar ko.

Naglalaro sila ngayon at ang hinayupak kong asawa este panget na babae ay nakaunan sa lap ko at natutulog. Halatang pagod siya. Ang dami niya sigurong ginagawa. Nagkaroon na kasi siya ng konting eyebags but it makes her more beautiful.

"Staring is rude, you know?" Gising pala tong bakulaw na to.

"Tulog ka nalang" masungit kong saad sabay pisil sa ilong niya.
Ang cute niya kasi.

"Awww" sabay hawak sa ilong niya. Dapat ay magsasalita ulit siya kaya lang kiniss ko ung ilong niya.

"Magic kiss" nakangiti kong sabi.

Ngumiti na ulit siya at pumikit
"Stay okay?" Sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit.

Hindi na ako nagsalita pa sa halip ay pinaglaruan ko nalang ang malambot niyang buhok na halatang alagang alaga niya. Naramdaman ko ang mabigat niyang pag hinga kaya naman matutuloy na ang masama kong balak *evil laugh*

"baby Ar-Ar at baby Clarity tulog na siya daliii" pabulong kong sabi pero sapat na para marinig nila.

May inabot sila sakin at tinakpan nila ang bibig nila para pigilan ang pag tawa.

At sinimulan ko ng gawin ang masama kong balak HAHAHA!

My Lovely GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon