Chapter 13: Warm Snow

16 2 0
                                    

Hindi makatulog si Phil kakaisip kay Mirvy. Hindi sya makapaniwala sa nakita nya.

Nasilayan nya sandali na nakasakay si Mirvy sa isang motor jet, lumilipad at nakasuot ng Santa Claus costume. Makaraan ng ilang minuto, marahil mga 10 mins ay lumapit si Mirvy sakanya na naka casual na damit na at sinamahan sya panuorin ang pagbubukas ng Christmas Tree sa Malolos. Hindi nya sinabi kay Mirvy ang nakita nya, pero hindi maalis sa isip ni Phil kung sino nga ba talaga si Mirvy, at bakit tila isang hiwaga ang nababalot sakanya.

"Mirvy... May kinalaman sya sa Christmas? Hindi kaya totoo yung fairy tale tungkol kay Santa Claus? E yung kwento tungkol sa may mga Santa helpers sya, totoo rin ba yun?

Pero fairy tale lang yun ha.. Napaka imposible... Pero anong ginagawa ni Mirvy dun at nakasakay sya sa parang motor na lumilipad at naka Christmas costume? Sino ba talaga sya? Ano ba sya? Isa ba syang magical girl, anghel, babaeng galing sa future?" ang sinasabi ni Phil habang nakahiga at naghihintay na makatulog.

Naguguluhan si Phil at hindi mabilang ang mga tanong nya tungkol kay Mirvy sa nakita nya.

---------

"Joanna! Bat ang aga mong gumising? Mamaya pa tanghali pupunta mga classmates mo para sa Thesis diba?" tanong ng ate ni Joanna na si Rian.

Maagang gumising si Joanna, nagmamadaling naligo at nagayos para pumasok sa school.

"Ate hindi muna kame gagawa ng Thesis mamaya." sagot ni Joanna.

"O e hindi naman pala eh, bakit naka gayak ka?" pagtataka ni Rian.

"Pupuntahan ko si Renie para sa 'The Communique' namin. Sige bye bye~!" at masayang umalis si Joanna ng bahay.

"Hmm.. College newspaper nila yun diba? Teka napasa na nya yung article nya at yung cartoon para sa next issue nila diba? Bakit pa sila magkikita nung Renie?" nasabi ni Rian.

"Nako.. Yang si Joan baka may lovelife na. Hahaha!" sabat ng nanay nila.

"Hala si Joanna may lovelife na?! Nako pag nahuli ko sya pipingutin ko tenga nun at kakaladkarin pauwi hmpp! Aral muna bago lovelife!" sagot ni Rian.

--------

Tinext ni Joanna si Renie para makipag kita. May usapan sila na ibibisita ulit ni Renie si Joanna sa Santa's workshop.

"Renieeeee!!!" tawag ni Joanna na nasa 2nd floor ng Federizo Hall at si Renie naman ay nasa park sa Ground floor ng Federizo Hall.

Sumenyas si Renie, tila sinasabi nya na may ginagawa pa sila ng mga classmates nya kaya naghintay si Joanna sakanya.

Nang matapos ang mga gawain ni Renie ay umakyat na sya at pinuntahan si Joanna.

"Oy Joanna! Hahaha!" bati ni Renie.

"Tara na ba? Magcacast ka ba ng magic spell para mailabas yung motor jet?" tanong ni Joanna.

"Shhh!! Wag ka maingay. Tara dun nalang tayo sa likod ng school." pigil ni Renie sa sinasabi nya.

Nang napunta na sila sa likod ng school, nagcast ng isang magic spell si Renie para isummon ang kanyang motor jet. Humahanga si Joanna sa twing magcacast ng magic spell si Renie.

"Renie gusto ko din matuto ng magic." sinabi ni Joanna.

"Natuto kanaman na ng magic ha. Napapalutang mo na yung papel na origami." sagot ni Renie.

"Waaaaa~!! Ayoko nun! Gusto ko pa matuto ng iba pang magic spells!!!" pangungulit ni Joanna.

"Naku e kung magaaral ka talaga ng magic, hindi kana isang ordinaryong tao, magiging isa ka nang 'Magician'" sinabi ni Renie.

Christmas Bells #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon