Chapter 14: Twinkling Holy Night

22 3 0
                                    

"At the most special night in the world, I overtake the north wind and the stars. Im on my way to your room's window, and I'll give you this present just for you. Here's the miracle of Christmas."


December 23. Gabi na at kasalukuyang nagpapahinga si Phil sa kanyang kwarto. Iniisip nya si Mirvy dahil hindi na nya ito masyado nakikita at nakakasama.

"Ilang araw ko na hindi nakikita si Mirvy sa store nila sa Whoops. Sabi ng kasamahan nya ilang araw na daw sya hindi nakakapasok at hindi man lang nagtetext o nagsasabi sakanila kung ano na ang nangyari sakanya.

Pinupuntahan kaya nya ako sa Payless? Baka dun sya naghihintay. Umalis na ako dun at lumipat ako ng trabaho sa Mendrez bilang sales clerk at stockman na din. Pero magkalapit lang naman ang Mendrez at Payless, makikita ko sya kagad kung naghihintay sya doon.

Parang nakakalungkot pumasok sa trabaho sa Robinson's Place kung wala sya.." sabi ni Phil.

Nagiisip-isip sya, ne walang minuto ang lumipas na di nya naisip si Mirvy.

"At saka... May kinalaman kaya sya kay Santa Claus? Edi totoo si Santa?" tanong ni Phil.

"Oo nga no.. Nakakapag taka din kung saan nakuha nina Mirvy yung Christmas gifts na pinamigay nila noon sa may Christmas gift-giving event noon sa school. Pero sabi nya si Joy daw ang nagasikaso nun. Pero ang bilis, kinabukasan halos meron na kagad mga regalo. Pwera nga lang kung.... kukunin nila yun kay Santa? Hahaha..." at natawa nalang si Phil sa mga naiisip nya. Palaisipan parin sakanya nung nakita nya si Mirvy na naka Santa Uniform at nakasakay sa motor jet noong binubuksan ang giant Christmas tree ng Malolos.

--------

"Hohoho... Handa na ba ang lahat Turmeric?" tanong ni Santa Claus.

"Opo Santa. Natapos ng mga elves at sa toy factory department ang trabaho nila. Nabilang na ang lahat ng laruan at regalo na ibibigay. Sakto to sa bilang ng mga bibigyan na nakasulat sa 'Wish list'." sagot ni Turmeric.

"Handa na rin ang mga cookies at chocolates na ibibigay sa mga batang nasa 'Naughty list'." Sabat naman ni Mrs. Claus.

"Santa! Tapos na din ang maintenance na ginawa namin ni Vincent sa mga motor jets. Kaya na nilang tumakbo sa buong mundo at walang magiging problema bukas!" ang sinabi naman ni Ginger.

"Kung ganon, handa na pala ang lahat. Mukang sya nalang ang hindi." ang sinabi ni Santa at nakatingin sya kay Mirvy na nasa malayo at nakikipag usap kena Renie, Joy at Vincent.

"Mukang malungkot sya Santa. Ano kaya ang bumabagabag sa puso nya?" Tanong ni Turmeric.

---------

"Nandito ako para ireport sanyo kung saan Continent kayo madedestino para sa Christmas eve operation bukas. Hinati-hati ito sanyong apat, kay Santa Claus, Mirvy, Renie at Joy para ma-meet natin yung deadline na 12am dapat naihatid na natin ang mga Christmas gifts sa mga tao." ang sinabi ni Vincent kena Mirvy, Joy at Renie.

Sinimulan na ni Vincent ang report at tinuro nya ang Operation: Christmas Eve.

"Joy, hawak mo ang mga destination na Africa at Antarctica. Medyo malayo dahil nasa timog ito ng mundo, pero dahil sa marami kanang karanasan sa pagiging Santa helper, inaasahan namin na magiging matagumpay ang una mong misyon sa southern world." ang sinabi ni Vincent kay Joy.

"Naiintindihan ko at sige, ako na ang bahala sa Southern continents." ang sinabi ni Joy.

"Renie, sayo naman ang buong Europe. Maswerte ka dahil sosyal ang mga tao dun haha!" ang pabirong sinabi ni Vincent.

Christmas Bells #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon