Chapter 2: My Name is Mi

167 15 6
                                    

* * * * * *

Rein's POV

"Bes, anyare dito sa isang 'to?"

"Ewan ko d'yan. Mukhang sabog na nakatulala sa kung saan eh."

"Nakatulala kamo sa kwintas. Baka may boyfriend na?"

"Hala ka bes!! Mukha nga. 'Yung mga kinang sa mata ni Rein oh!"

"Oo nga! Hala s'ya! Lumalandi si Rein oh!"

"Gaga! Walang forever."

Lumingon ako sa kanila at nagsalita, "Aish! Wag kayong ano ne? Wala akong boyfriend," tinignan kong muli yung kwintas ni "Mi" at hindi ko ulit mapigilan ang ngiti ko.

"Eh bakit ganyan ka makangiti ha?" Tanong ng isa kong kasamahan dito sa café.

"Oo nga! Alululu! Kumikinang yung mata oh!" Pangungulit pa ng isa. Nilingon ko ulit sila, pero hindi ko inaalis yung ngiti sa labi ko. (Ayaw maalis eh! Sorry na.)

"Grabe! Wala nga akong boyfriend! Ang kulit n'yo," tas sabay tingin ulit sa kwintas ni Mi. (Ang cute pakinggan! Parang by ohmygoodness! Ang landi ko. Hahaha.)

Habang tinitignan ko yung kwintas na hawak ko, hindi ko mapigilang hindi maalala yung mga kulay brown nitong mga mata. Nung time na tinignan n'ya ako at tinanong kung ayos lang ba ako. Kyaah! Feeling ko ang gwapo-gwapo n'ya!! Parang si----

"REEEIN!!" tili ni Crysta, kaibigan ko na nagtatrabaho dito sa coffee shop.

"Oh? Bakit?" Tanong ko.

"Halika dito bilis." Nagtatatalon na sabi ni Crysta at naglakad nalang ako dun sa pinaroroonan n'ya.

"Oh? Bakit? Ano ba 'yun? Pag nakita tayo ni Manager lagot tayo dun!" Medyo naiirita kong sabi.

"Ayos lang yan. Crush ka naman ni Manager!" sabay kiliti nya sakin sa tagiliran.

"Gaga," sabi ko sabay batok sa kanya ng kaunti. "Teka ano ba yun? Ba't mo ko pinatawag?"

"Eh diba nga nakwento mo sakin yung tungkol kay 'Mi'," yep. Nakwento ko na sa kanya yung kay Mi. Mapagkakatiwalaan ko naman tong si Crysta eh.

"Oh? Anong meron sa kanya?" Takha kong tanong.

"Pano kung..." lumapit sya sakin at saka bumulong, "Si Manager yang si Mi? Diba? Eh Michael ang panglan ni Manager?"

Literal... as in literal na lumuwa ang mata ko sa sinabi ni Crysta. Agad akong napasulyap kay Manager na busy'ng-busy sa paga-asikaso ng costumer at ng mga nagta-trabaho dito sa Café Aroma.

Posible kayang... di nga? Weh?

"Imposible!" Agad kong hirit sabay alis pero sinundan n'ya parin ako.

"Ano ka ba! Malay mo naman s'ya diba? Parehas naman na Mi yung first letters ng pangalan ni Manager at n'yang kwintas diba? Tsaka---"

"Bes! Mi ne? Hindi My. Mi yung pronounciation!" Sabi ko at kinuha ko na yung order ng isang costumer. Kala ko titigil na s'ya kakakulit kay Mi,... pero hindi pa pala.

"Pano ka naman nakakasiguro na Mi nga yung pronountion nyang kwintas?" pangungulit n'ya.

Tinignan ko s'ya ng masama. At sumagot, "Pronounciation bes! Hindi pronountion." Nginitian ko muna yung costumer na dumating at sinabing hintayin nalang ang order n'ya bago sumagot kay Crysta, "Ewan ko. Feeling ko lang Mi talaga s'ya eh."

Pumunta naman sa kaliwa ko si Crysta (nasa kanan ko kasi s'ya kanina. Eh naglakad ako para ibigay yung order ng costumer sa likod tas sinundan n'ya ako.) At nangulit pa, "Sige, sabihin na nating hindi si Manager. Eh sino?"

The Melody of DoReMiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon