Chapter 5: The Day of Reaching Dream

88 10 4
                                    

Rein's POV

Ilang araw ng di nagpapa-kita sakin si Miko. Nakaka-inis naman. Kung kailan naman bukas na yung audition ko sa Rhythm High eh. Nakakainis s'ya ha? Sabi ko sa kanya gusto ko pa s'yang maka-bonding eh hangga't may one week pa ako. Tapos ano? Matapos n'ya ako iwan ng gabing yun bigla nalang s'yang naglaho na parang bula? Masakit ha? Sobrang sakit.

Pero s'yempre. Keme lang. HAHAHAHA! As if naman na kami like duh? Kakakilala lang namin noh? Di naman ako easy to get donchawuri.

"Bukas na ba alis mo, girl?" pout na sabi sakin ni Crysta.

"Yep yep yep! Gusto mo ba pasalubong pagbalik ko?" tanong ko.

"Ha? Babalik ka pa?!" bulalas na tanong n'ya. Ang OA ah?

"Eh, malay mo naman diba? Di ako maka-pasa oh. Edi talagang babalik ako dito. Anong gagawin ko du'n diba eh wala naman akong titirhan dun. Habang naghihintay ako ng result oo dun ako kanila tita ko. Pero nakakahiya din kaya na makipabigat pa dun diba? Kaya if ever naman, at wag naman sana, na hindi ako makapasa. Babalik ako dito."

Bumalik na muna ako dun sa counter dahil may naga-abang na costumer dun pero bumalik parin at sinundan ako ng gaga.

"Iiih! Ayoko parin na umalis ka, pero..." nagulantang naman ako ng bigla n'ya akong niyakap mula sa gilid ko. Walangya! Nakakahiya sa costumer na bumibili huhuhu!! "Gusto ko parin makita na makamit ang pangarap mo bessy!! Kaya kahit masakit sa aking damdamin eh papakawalan na kita at susupport na kita all the way highway!!"

"Oo na oo na. Dun ka na. alis shooo!!" pagtataboy ko sa kanya at bumalik nalang sa pagta-trabaho.

"Pero uy," lumingon ako sa nagsalitang si Crysta, "Anyare nga pala sa pagkikita n'yo ng poreber mo?"

"Poreber ko?" takha kong tanong. Teka may poreber na ba ako maliban sa pamilya ko't kaibigan? Wala naman ah?

"Duuh? Si Miko!!" pabulong na pasigaw na sabi nya. (gulo ne? parang si Crysta.)

"Ayun, nawala." Pout kong sabi at kumuha nalang ulit ng order ng costumer mula dito sa counter.

"Eh? Break na kayo? Agad-agad?" tinignan ko ng masama si Crysta at do'n napatahimik na nga sya.

"Hindi ganun baliw!" huminga ako ng medyo malalim bago magsalita, "Ewan ko ba. Bigla nalang syang nawala eh."

"Bakit? San nagpunta?" seryosong tanong ni Crysta.

"Aba ewan! Bigla nalang n'ya ako iniwan habang kumakain kami eh. Bastos yun eh bwiset." Sabi ko at nang-gigil na hawak yung kung ano man ang hawak ko.

Pero bigla kong naalala yung kung paano s'ya umalis nun. Para s'yang malungkot na natatakot. Para s'yang... timang.

"Pero... ano kayang problema nu'n?" inisip ko ulit yung time na umalis s'ya. Sigurado ako meron eh. May kung anong aura sa aura nya na nakaka-ano. Basta yun!

"Bes..." tumingin ako kay Crysta, "Sino ba tinutukoy mo?"

Nagtaka naman ako sa shungang tanong ni Crysta. "Anong sino? Malamang si Miko!"

"Miko Esguerra?" kunot-noo akong tumingin kay Crysta at sya seyosong nagtataka din.

"Hindi!! Ibang Miko!!"

"Pero si Miko Esguerra yung sinasabi kong pakikita mo sa poreber mo! Yung poreber mo kako si Miko Esguerra." T-teka. E-eh?

"Bes.." lumapit sya sakin at sinuri ng mabuti ang mga mata ko. "Sinong Miko yang tinutukoy mo, ha? BOYPREN MO YAN NOH??!!

The Melody of DoReMiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon