Chapter 27: Back to the Start.

157 4 2
                                    

DJ's POV

Kinuha ko kamay ni Mads pagkatapos ng klase..

"Mads! gusto mo kumain?"

Ngumiti siya, "Sige ba."

"Oh, lika na." Ngumiti ako tapos tumakbo papunta sa karinderya na lagi namin pinupuntahan..

"Hmmm..." Napaisip siya bigla.. "Parang familiar yung lugar na to ah.."

"Pano naman?"

"Wala lang, lika na! Kain na tayo." Ngumiti siya tapos umupo sa mga upuan..

"Eto oh, Alam kong paborito mo to." Inabot ko yung lalagyan ng Adobo sa harap niya.

"Oh?! Pano mo nalamang paborito mo to."

Napaisip ako ng rason.. "Yan kasi lagi mong binibili sa cafeteria."

"Ahh, Stalker?"

"Hindi naman, Admirer lang." Napatawa kaming dalawa. "Pogi kase.."

"Ewan ko sayo!" Pinalo niya ng mahina braso ko.

"Dali na, kumain ka na." Sinabi ko habang kumakain ako.

Napangiti lang ako, Alam ko sa sarili ko na, Hindi ko siya kayang pilitin. Pero alam kong kaya kong ulitin ang mga nangyari sa amin. Para lang mabuo ulit yung pinagsamahan namin.

"Uy, bakit ka naman ganyan makatingin?"

"Wala lang, Dali na kumain ka na. Tapos na ko."

"Oo na!"

Natapos na rin siya, dumeretso naman kami sa Mall.

"Bat tayo nandito?"

"Basta.. Sa Arcade tayo pupunta!"

"Ikaw bahala, basta kahit saan!"

Dumeretso kami sa Arcade, tumakbo kami sa counter, At bumili kami ng Card.

"200 Pesos po na card."

"Eto po, Salamat."

Kinuha ko kamay niya, Tapos pumunta kami dun sa may arcade ba Tekken ang laro.

"Tekken o." tinuro ko.

"Tekken! Paborito ko yan! lalo na si.."

"Alisa..."

"Pano mo nalaman? Sta--- Este, Admirer ka talaga!"

"Haha, lika na nga."

Nagsimula kaming magalro hanggang sa paulit-ulit akong nanalo at nakakuha ng napaka-raming tickets para makuha ko yung gustong-gusto niyang stuffed Domo kun toy.

"Ano ba yan! talo nanaman ako." nagpout siya.

"Lika nga.."

Pumunta kami sa harap ng counter.. "Pumili ka." sabi ko.

"Huh? Ako? Pipili."

"Oo nga.."

"Uhm.. nakakhiya eh!" Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Ngayon ka pa nahiya. Bahala ka ako pipili. Ate, isa ngang ganun." tinuro ko yung Domo kun na stuff toy.

"Oh, eto." Inabot ko sakanya.

"Ang cute! Salamat DJ!"

"Walang anuman, O saan na tayo pupunta?"

"Uhm.. Gusto ko mag-karaoke!"

"Hayyy.." Napakamot ako sa ulo.. "Ikaw bahala.."

"Yaaaay!"

Nagalakad kami papunta dun sa may mga karaoke na booth, tapos umupo sa loob. Doon, pumili siya ng kanta.

"Eto!"

"Anong kanta?"

"Hintayin mo! Tadaa!"

Now Playing:

The Only Exception by: Paramore

...

Bigla na lang, sumasakit nanaman dibdib ko.. Hirap talaga tanggapin na nakalimutan niya ko. Pero, Gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya ulit.

"Oh, bat ka napapaiyak?"

"Wala, Yung pagkanta mo kasi eh.."

"Ewan ko sayo!"

Miss na kita Mads. Sana ako na lang nagka-Amnesia. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Daily Basis of Miss Ganda. ;)Where stories live. Discover now