"Polaris," turo mo sa langit kahit hindi talaga ako familiar kung ano ba talaga sa mga stars sa langit ang tinuturo mo. Nakahiga tayo sa garden habang may tent sa tabi natin.
"Saan," bigla kong tanong nang mawala ka sa pagkaakap ko. Napatayo ako kaagad, "Japhet?" paglinga ko sa kaliwa't kanan, wala ka.
"Japhet!" madilim ang kwarto ko, in-unlock ko ang CP ko, 11:11 PM, gabi pa. Hindi na bago ito, hindi na yata ako makaka-recover. It's been like what? 3 years? Tatlong taon na nang iwan niya kami, ako. Bibitawan ko na sana muli ang cellphone ko nang tumunog ito, "Justin sent you a sticker," kumakain na emoji, "late dinner, kumain ka na?"
Malamang. Alas-onse na. Ila-lock ko na ang phone nang tumunog muli ito, "or tulog ka na? Hehe."
"I'm still up," reply ko.
"Sorry if ngayon lang ako naka-reply, kinulong kami sa board meeting kanina, haggard. How's your day?"
"Ok lang, maraming tao kanina, pero kasama ko naman si Carl sa clinic kaya na-assist naman namin sila."
"Sipag naman, I'll visit tomorrow. Coffee or tea?"
"Hmmm..." "Coffee & Flowers."
"Okie, see you tomorrow."
Ilang buwan na rin kaming magka-chat ni Justin. Yes, Justin De Castro, the guy I met sa POEA at SM North EDSA. He's fine, we hang out sometimes. Kung kami na, hindi, o hindi pa. Pero kung magkakaroon ng kami, hindi ko sigurado.
Bumangon na ako dahil alam kong hindi na ako muling makakatulog pa, lumabas ako ng kwarto para sana pumunta sa kusina pero tila may magnet na humihila sa akin papunta sa guest room. Sa kwartong minsang tinulugan ni Jaf.
Pagkahawak ko pa lang sa doorknob may tumawag na kaagad sa akin.
"Marj, gising ka pa?" si kuya Lino.
"Ang aga mo," alam kong napatingin si kuya sa kamay ko habang nakahawak sa doorknob, "ah, kukuha lang sana ako ng extrang unan."
"Naka-lock na yan," sabi niya, "pina-lock ni Dad. Tara sa kwarto ko, hiramin mo muna unan ko," talikod niya.
"Hindi, wag na..."
"Sumunod na..." utos niya.
Pagkapasok ko pa lang ng kwarto binato na niya kaagad ako ng unan.
"Amoyin mo ang panis na laway ko!" tawa niya.
"Eww... Kadiri ka!" dinampot ko kaagad ang unan at ibinatong pabalik kay kuya, hindi ko pa naihahagis may tumama nang muli sa aking mukha, "IMPAKTO KA!" sinugod ko na siya. Tawa lang ng tawa si Kuya, "anlakas ng trip mo 'no?!"
"I can stay for the night," biglang seryoso niyang sabi.
Napatingin lang ako't natigilan sa balak sanang pagpukpok sa kanya ng unan.
"You can sleep here with me, hindi naman na ako kailangan sa ospital eh. Is there something you want to talk about?"
"What's with the sudden shift of mood?" ihahampas ko na sa kanya ang hawak kong unan nang pigilan niya ako.
"Kuya mo ako, kung may gumugulo sa isip mo, sabihin mo."
Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba kay kuya, when in the first place alam naman niya kung bakit ako nagkakaganito.
"Three years na nakalipas. Don't you think it's about time for you to let go of the past?" malumanay na sabi ni kuya, "the past na wala nang paraan para maibalik mo pa?"
"I don't want to talk about this," tumayo na ako at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko. In that instance hindi ko alam kung bakit, pero umiiyak na ako.
"Okay lang na torture-in mo ang sarili mo sa kalungkutan, but not this long. Alam mong hindi ito ang gusto niya para sayo. Hindi niya gustong nahihirapan ka ng ganito."
"Kung hindi pala niya gusto 'to eh di sana hindi niya ako iniwan!" sigaw ko, "hindi niya ako iniwan ng ganito!" bumitiw na ako sa pagkakahawak ni kuya at tumakbo nang palabas nang may sabihin muli si kuya.
"It wasn't his decision, hindi niya ginustong magkasakit siya."
Pumasok na ako sa kwarto ko, "tama na..." punas ko sa luha ko, "ayoko nang umiyak... Please tahan na..."
