Chapter 4 - Can't Fight

10 0 0
                                    

Pagkatungtong pa lang ng paa ko sa hall natahimik na lahat ng tao. Napatigil tuloy ako at naiwan sa pace ni Justin. Gano'n siguro ako kaganda at natulala sila.

"Come on," paanyaya ni Jazz sa akin and this time, tinanggap ko na ang kamay na kanina niya pa inaalok sa akin, malamig. Nang tignan ko si Justin makikita mong very unease ang tingin niya sa mga tao sa paligid, para bang any moment may magsisimula ng rebolusyon at susugurin kaming dalawa.

Tahimik pa rin sila habang nakatingin sa amin, natatakot na ako. Mga vampires ba sila? Nasa Twilight ba ako? Ako bilang si Bella? Kapag may nag-abot sa akin ng regalo at na-paper cut ako sa pag-unwrap no'n lokohan na 'to.

Sa dami ng iniisip ko sumobra ako ng isang hakbang kay Justin na kasalukuyan na palang tumigil sa paglalakad, napaatras ako nang magbless si Jazz sa isang medyo matandang lalaki tapos ay ipinakilala ako, "dad, si Marjorie po."

"Good morning po," agad kong bati sa kanya nang alokin niya ako ng pakikipagkamay.

"Welcome to the family Marjorie," sabi niya sa akin.

"Welcome po..." bigla kong sagot, ?"po? Welcome?" tanong ko habang nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko.

"Dad..." awat ni Justin.

All of a sudden gumagalaw na lahat ng tao sa paligid, parang may stop-dance kani-kanina lang.

"I'm expecting my apo from you Marjorie," tawa ng Dad ni Justin, "finally, magkakaroon na nang magpapatuloy sa apelido ko..."

Apo? Agad-agad? Hindi ba pwedeng maging kami muna ni Justin? Ni-kiss nga walang namamagitan sa amin, apo kaagad? May lakad ka? Sa dami n'yang nasa utak ko ngayon, "po?" lang ang nasambit ko.

"Unico Hijo ko yan si Justin," sagot naman ng lalaking kaharap namin, at ang pronunciation niya ng Justin ay Hustin, very primitive, "puro babae ang mga kapatid ng anak kong 'to kaya sasakupin ng ibang apelyido ang apo ko sa kanila." Tumawa siya nang ituloy niya ang sinasabi niya, "hmmm... But I expect a lot from my boy. Unang apo, lalaki ha!"

How am I suppose to handle this situation? My goodness! Hindi ko na kinakaya.

"Dad, wala pa kami doon," sagot ni Hustin, este Justin sa tatay niya, "we're taking things slowly."

Tama! Hindi pa nga 'kami,' apo kaagad ang hinihingi?

"Tama na yan Eduardo," biglang sambit ng isang babae sa likuran namin.

"Ma," bati ni Jazz pagkatapos ay nagmano rin sa kanyang nanay, "Ma si Marjorie," pakilala sa akin ?ni Justin.

"Marjorie po," bow ko sa kaharap. Tinitigan niya lang ako. Hindi kasing warm ng 'welcome' ng dad ni Justin ang bati sa akin ng nanay niya.

"Tara na at kumain na tayo, mahuhuli daw ang ate Althea mo't na-delay daw ang flight ng bayaw Oliver mo, on the way pa lang sila," mahabang paanyaya ng mom ni Jazz bago kumain.

Kumukuha na kami ng pagkain nang mapansin kong puro kanin lang ang laman ng plato ni Justin, "bakit mo nililipat yung kanin sa plato mo?"

"Ssshhh..." sabay lingon nito kung may nakatingin sa aming dalawa habang sumasandok ng kakainin, "tara..." bulong nito.

"Are you sure nasa Manila pa tayo?" tanong ko kay Justin habang nasa gazeebo kami sa pampang ng isang pond.

"Well the mountains are Rizal's," turo ni Justin sa mga bundok sa kabilang dulo ng pond, "kain na."

"Bakit ba puro kanin lang ang laman ng plato mo?"

"Kasi nandito ang ulam ko..." sagot ni Jazz nang ilapag niya ang isang plastic container sa mesa, hindi ko napansing may nakaipit na ganoon sa kilikili niya.

"Hipon..." tanging nasabi ko nang buksan niya ang dala niya.

"Yup... Tiger Prawns..." sabay subo niya ng isang buong piraso nito, "I'm usually like this every family gathering, kinakalahati ko parati yung mga naka-serve na seafoods like lobster, crabs," putol nito sa sinasabi ng sumubo muli ng isa pa, "prawns... Sarap..."

I want to act as normal as possible. Normal. Marjorie, hindi si Japhet ang kaharap mo, na kahit gaano pa karaming prawns ang kainin niya hindi siya mamamaga dahil hindi nga siya si Japhet. Hindi lahat ng tao allergic sa seafood. Hindi lahat ng tao si Japhet.

"This is Mama's specialty, breaded tiger prawns, you should try it," alok ni Justin tapos ay nilagyan ako sa sarili kong plato, "parati akong tumatakas dala ang mga 'to tapos sosolohin ko lahat yun dito sa pwestong 'to."

Pinapanood ko siya habang kumakain, hindi siya si Jaf. I should keep that in mind. The sooner I learn that, the better.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Need You Now: I Miss You Like Crazy SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon