Chapter 3 - Reaching For

7 0 0
                                    

"I am really surprised with the flowers, sabi ko kagabi kape at bulaklak lang eh," sambit ko kay Justin habang nagda-drive siya.

Napangiti siya ng bahagya na naging dahilan para magpakitang muli ang dimple niya, "sabi mo, 'flowers,' you did not mention kung ilan."

"But these are too much na," pagtukoy ko sa hawak kong mga rosebuds.

"You think so?" seryoso niyang tanong sabay saglit na napatingin sa akin bago niya binaling muli ang mga mata sa kalsada.

Anong ibigsabihin niya sa sinabi niya? 'You think so?' Na kulang pa 'tong mga bulaklak na 'to? Na I deserve more? Eh halos magmukhang float na sa Baguio every Panagbenga Festival yung clinic. O kulang pa siya para sa akin? Na nalalamigan siya sa pakikitungo ko sa kanya?

"Have you tried flower salad?" bigla niyang tanong.

Napailing ako kaagad.

Natawa siya sa biglang reaction ko, "no, I won't let you eat some. Don't worry. Just, random thoughts."

He speaks more like Jaf, though mas maraming english.

Pumasok kami sa isang gate, "truth is, we have a family gathering, and I'm taking you, here," biglang tingin niya sa akin.

Huwaaat?! Family occasion?! Agad-agad?! As in ngayon na?! Hindi pwedeng maghanda muna ako? Ni hindi ko pa nga naku-curl yung lashes ko sa kanang mata ko?! "ngayon na?" pilit na malumanay kong tanong.

"Hmm..." maigsi niyang sagot sabay tigil sa kotse.

"As in?"

"Hmm..." sagot niya sabay unlock niya sa pinto ng kotse, "we're here."

"Ah..." mala-ewan kong ngiti, "pwede saglit lang? Mag-ready lang ako?"

"Why? You look fine..."

Fine?!! Fine lang?! Ayon sa vocabulary ng mga boys, ang 'fine' ay below so-so, hindi okay, kumbaga, 'pwede na yan...' and I cannot accept 'fine' as my look bago ako makita ng family niya "bababa rin ako ng kotse, just give me, hmmm... 5 minutes?"

"Okay, I'll wait for you outside."

Anong binabalak ng impakto na 'to? Infairness dinaig niya si Japhet sa mga ganitong pabigla-biglang lakad. I got 5 minutes para magmukhang fresh at maganda, which is the complete opposite as per Carl kaninang umaga. What to do?!

Tinutok ko sa mukha ko ang rearview mirror nang may nakita akong magandang babae na lumapit at nagbeso kay Jazz, matangkad, maputi, maganda. But they don't have any similarities kaya I doubt kung related sila. Hindi ako nagseselos, nakita ko lang kasi siyempre may mata ako.

After mga 15 to 20 minutes lumabas na din ako ng kotse dala ang bouquet of rosebuds, mabuti na lang at bagong blouse ang sinuot ko ngayong araw, nilugay ko na lang ang buhok ko at pinahanginan ng bongga sa aircon ng kotse ni Justin para magka-volume ng very very light. Powder lang saka konting blush on dahil kakain lang naman, hindi naman siguro ako lalakad sa red carpet para mag-shine ang pagmumukha ko sa kanilang lahat. "Matagal ba?"

Umiling siya.

'Sinungaling,' bulong ko.

"Come, they're waiting na for sure," pag-abot niya ng kamay niya sa akin.

"Tara," ngiti ko sabay abot sa kanya ng mga bulaklak. I know, I think, I'm playing a bit awkward with Jazz. I just don't want to be attached to him so well.

Naglalakad na kami sa ilalim ng mga puno, nakapila sila by two, parang endless love ang dating, "parang cherry blossoms," sambit ko nang humangin at umulan ng red petals mula sa mga puno.

"Fire trees."

"Fire trees?" ulit ko sa sinabi niya.

Tumango lang siya tapos ay tumingin din sa akin, "bulaklak yan ng fire tree," tukoy niya sa mga nahuhulog na pulang petals, "tulo na laway mo..."

Expression niya na parati yan, parang si... Change topic, asan na nga ba kami? Umandar na naman ang directionless sense ko, hindi ko alam kung nasaan kami. Tonta, kapag iniwan ako ni Justin dito malamang mag-taxi ako pabalik, "nasaan tayo?"

"Don't worry, nasa Manila pa rin tayo," sagot niya, "dito nakatira sila papa."

"Bakit parang ang layo na ng nilalakad natin, wala pa akong nakikitang bahay? Wala bang nakatira masyado dito sa village niyo?"

"Malapit na tayo," sabi niya habang nakatingin lang sa nilalakaran namin.

Need You Now: I Miss You Like Crazy SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon