Sam's POV
Pano ba to? Pano ba sagutan to? Kung saan-saan na ko nangalap ng sagot pero di ko pa rin magawa ang homework ko!
-_- isip nga muna ng mapagtatanungan
..
...
...
Di pwede kay mommy, busy sya.
Si daddy nasa work pa.
Si ate kausap yung boyfriend nya.
Si kuya naman naggigitara.
Aha! Alam ko na!
Naikwento nga pala ng adviser ko kanina yung student nya last year. Si Kuya Kenrick Domingo.
Halos lahat ng teachers kinukwento si kuya Kenrick sa klase namin. All around sya pero best sya sa Math at Science.
Ano kaya kung magtanong ako sa kanya tungkol dito sa assignment ko sa Science? Sasagutin nya kaya? Ieentertain kaya ng isang genius at popular student ang isang katulad ko na average student lang?
Wala namang mawawala kung itatry ko diba? Sige na nga tatry ko na. Sana lang online sya.
Tinignan ko yung chatbox ko sa 'fb'.
76 online friends!
Wow daming online ah. Sana lang isa dito si kuya Kenrick.
KENRICK DOMINGO
Yes! Online sya!
Chance na to para makipagkilala ako sa kanya at matapos na tong homework ko.
SAM: hello po ^_^
Ayan, nagfirst move na ko. Sana naman magreply sya..
After 30 seconds. .KEN: hello :)
Yey! Nagreply sya! Nagreply sya! Kaya ko to. Di na ko mahihiyang magtanong.
SAM: kuya, pwede po bang magtanong tungkol sa assignment namin sa Science?
KEN: Cge anu yun? :-)
Wow mukhang interested sya ah. Sana lang talaga ok lang sa kanya.
SAM: What initiates competition among organisms?
Magreply ka..
Please kuya. . .
KEN: Food :)
O.O
@.@
Totoo ba to? Sinagot nya yung tanong ko? Ang alam ko kasi busy ang taong to eh. Infairness ah, napakaswerte ko dahil inentertain nya ko. Di ko talaga ineexpect to..!!
SAM: Wow ang galing nyo po talaga kuya! Tnx po ^_^
KEN: welcome. Teka, Class A ka ba sa 1st year?
SAM: Opo kuya ^_^
KEN: Ah, cge nice meeting you :-)
SAM: matagal ko na po kayong kilala kuya. Lagi po kayong kinukwento ng mga teacher namin. Ang talino nyo nga daw po eh ^_^
KEN: Salamat naman :-) ikaw, parang di pa kita nakita.
SAM: makikilala nyo rin po ako kuya.
Tsiiiiiiiing. . .
<end of flashback>
Kinuwento ko lang yung unang moment ko with my ultimate crush---KENRICK DOMINGO.
Kahit sa chat lang yun, masayang masaya ako dahil napansin nya rin ako kahit di pa nya ko kilala sa personal. Nga pala 1st year pa lang ako nung una akong nagtanong ng assignment sa kanya. Since then, kapag di ko alam ang gagawin ko, isang chat ko lang sa kanya solve na ang problema ko sa mga assignments ko. Hanggang sa nalaman ko ang number nya sa kaklase nya at naging mas madalas na ang pagtulong nya sakin.
Grabe noh? Ang galing galing ko talaga, mana ako sa kanya XD . Pano ba naman, hindi nya ako kilala pero tinutulungan nya ko.
Tapos na po ang unang kabanata!
Enjoy lang po sa pagbabasa :-D
YOU ARE READING
Kathniel--- WHY ME???
RomanceIsang commoner na matagal nang may gusto sa isang perfect guy (good-looking, genius, gentleman, sweet, responsible) Di nya inaasahan na sya ang pipiliin ni guy kahit na di sya ganun kaperfect kumpara sa ibang girls na dumaan sa buhay ni guy.