Chapter 4 - School Break

22.1K 305 7
                                    





(Wala pong Kathniel dito pero promise enjoy to :-D )



Ken's POV


School break!!!


Wala kong makikitang mga sine, cosine, log, graphs, at numbers sa board.



Walang mga chemicals at apparatuses ang aaligid sakin.



Walang homeworks.



Walang projects.



Walang pressure.





Kahit nageexcel ako sa school, gusto ko pa rin naman magbakasyon para makapagpahinga rin yung utak ko.




Gigs with my cousins and playing basketball with Vince, Mike, Mark, Kier, Jake, Lenard, and Gary (4 on 4 kami lagi every weekend).
Yan ang pinagkakaabalahan ko ngayong summer. Nagkikita rin kami ng bestfriend kong si Shai para magmovie marathon, mamasyal, o magfoodtrip.




Para lang kaming magkapatid nitong si Shaira. Sya lang ang girl na pinapayagan ng Mama ko na pumasok sa kwarto ko. Minsan nga dito na sya natutulog ehh. 2 years pa lang kaming magbestfriends ni Shai pero  pinagkatiwalaan na sya ng family ko. At ganun din naman ako sa family nya.



Pakilala ko lang pala yung mga kapatid ko. 3 boys kami. Si kuya Nathan ang panganay. Next ako. At si Bryan ang bunso. Opposites ko sila. Ewan ko ba kung bakit ako naiiba. Pare-pareho naman kaming gwapo (ang hangin ko talaga XD) pero ako ang pinakamatino at pinakanaiiba sa aming tatlo pagdating sa attitude. Kaya nga favorite ako ng dad ko. Ako lang kasi ang di pa nagkakaGirlfriend dahil inuuna ko ang pag-aaral ko.









Sam's POV


Ano ba yan, bat ang tagal naman ng pasukan???




Gusto ko ng makita si Ken. . . Oh no! I'm so lost without him! Ilang weeks ko na syang di nakikita. Di ko rin nakakachat o nakakatext. Napakabusy yata nya. Nagbakasyon lang nakalimutan na nya ko.



Sabagay sino ba naman ako? Isa lang ako sa milyun-milyong may gusto sa kanya. Di pa nga kakalahati ang IQ ko kumpara sa kanya. At siguro di ko rin mamimeet ang standards nya.




Hanggang dun na lang ako.



Hanggang tingin.



Hanggang tanong.



Hanggang ngiti na lang ako.




Sana naman matapos na tong bakasyon na to para matambak ang mga assignments ko at magkaron ako ng dahilan para makausap sya. Aaminin ko, minsan ginagawa ko lang talagang dahilan ang pag-aaral ko para lang mapansin nya. Pero di naman sa lahat ng oras. Madalas, di ko talaga alam ang isasagot ko sa mga homeworks kaya ako nagtatanong sa kanya.









Read. Read. Read.



Abangan ang mga susunod na kaganapan ;-)

Kathniel--- WHY ME???Where stories live. Discover now