WWBU 1

141 8 0
                                    

July 7, 2014 Monday

Dedicated to all sawing pag-ibig girlaloos out there! ;)

CHAPTER 1

"Daliaaaaan mo na besty! Kailangan nating maabutan sila sa gate!" pagmamadali ko sa kaniya.

Pababa na kasi kami ng staircase habang nakapako ang mga mata ko sa iisang tao lamang.

The only guy who stand out among the rest.

The one who stole my heart and chose to broke it into pieces.

Enzo...

Kasama niya pala ang mga kaibigan niya. Naglalakad sila sa may quadrangle patungo sa main gate ng universidad. Saan kaya sila pupunta?

"Oo na! Eto na nga eh! Wag kang excited masyado! Di naman 'yun mawawala agad-agad sa paningin mo."

"Naku, kapag talagang di natin mahabol sila. Sige ka, magkakaworld war three sa dorm natin." biro na may halong pananakot ko pa sa kaniya.

Minsan kasi sa sobrang inis ko, binabato ko 'yung gamit sa kwarto especially 'yung mga unan namin para ma-release ko lang ang stress ko. Alam kong di tama maging bayolente pero kailangan kasi mahina ang puso ko. Hindi pwede magtanim ako ng sama ng loob. Sabi ng doctor, kapag galit, malungkot, masaya o kahit anong emotions pa 'yan, wag kong pigilan ang sarili na i-express ito.

"Sige ka kapag ginulo mo na naman ang kwarto natin at pag himalang dinalaw ka ni gago. Matuturn off sa'yo 'yun."

Napashut-up tuloy ako bigla. Tsk. "Alam mo talaga kung ano kahinaan ko noh?" sarcastic kung sarcastic.

Tumawa lang siya. Minsan talaga baliw 'tong besty ko eh.

"Pwede ba, stop saying g-a-g-o siya. Hindi naman siya ganon eh. Hindi gago 'yung mahal ko." dagdag ko pa.

Simula ng maghiwalay kami ni Enzo, never ng tinawag ni besty sa pangalan nito unless kapag nasa classroom kami at kapag nasa Student Council meeting sila. Nakakatawa lang kasi siya pa nagtanim ng galit kaysa ako. Hahaha. Hindi ko naman masisisi si besty dahil nakita niya kung paano ako naging masaya nong maayos pa ang lahat at nong nasa depression moments ako ng mga panahon na nakipaghiwalay sakin si Enzo.

"Marerealize mo rin balang araw na kung gaano siya kagago sa'yo before." Paglason na naman niya sa utak ko. Tsk.

"Hay nako, Reanna! Tumigil-tigil ka na sa pagbrain wash sakin. Basta hindi siya katulad ng ibang lalaki na gago. Kilalang kilala ko siya." Patatanggol ko pa sa lalaking mahal ko.

Halos dalawang taon din kami ni Enzo kaya kilala ko na rin siya ng lubos. At idagdag pa na naging magkaibigan muna kami bago nagkadevelopan.

"Di ka talaga nakikinig sakin." Tapos sumimangot siya.

Isang buwan na ang nakakalipas matapos maghiwalay kami. Ganon pa rin ang takbo ng buhay.

My life goes on without him. Unfortunately, from being a perfect happily couple, we simply became strangers. We never talk again after the break-up. We just ignore each other presence.

But my life is still revolve around him. How?

Because I choose to chase him.

Oo, mukhang tanga maghabol ng isang tao na ayaw na sa'yo pero you can't blame me. Mahal ko kasi siya. Siya nagbigay kulay sa buhay ko. Mas masigla at mas masaya kasi ako noon. Siya pumapawi ng bawat lungkot at nagpapagaan ng loob ko sa tuwing may problema ako lalo na kapag tungkol sa pamilya ko.

Basta, si Enzo ang lahat-lahat sa akin.

"Sasamahan mo pa ba ako? O mauna ka na sa dorm?" Malumanay na tanong ko sa kaniya. Tinatamad na siguro 'to kaya ganiyan pinagsasabi na naman sakin.

Why We Broke Up?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon