WWBU 2

100 6 0
                                    

July 12, 2014 Saturday

Chapter 2

"Paano mo pala sasagutin 'yang first question mo, besty?" tanong ni Ria sakin.

"Eh di magtatanong sa mga friends niya." mabilis na sagot ko.

His friends, closest friends, family or even him. Enzo. Sila lang naman ang pwede kong lapitan para magtanong.

"I-try mo tanungin kaya 'yung ex niya. Do you still remember her name?"

"What a good suggestion besty!" sarcasm kong sabi.

Ria just chuckled. "Malay mo lang naman, Chee!"

"Hindi naman niya naikwekwento sakin tungkol sa first girlfriend niya kaya di ko alam. Discrete relationship daw sila. But what I know is, she's ahead of one year from us and they were together for three months only."

"Mysterious ex pala ang peg."

"Wag na nga lang natin isali 'yun sa mga tatanungan ko kasi irrelevant lang sa tingin ko. Saka, di naman na siguro sila nag-uusap since their break-up parang katulad ng situation namin ngayon."

"Bwisit talaga 'yang Enzo. Pa-chix eh! Sarap ihulog sa kanal at patayin. Grrr!"

"Besty naman!" pagsaway ko. "Mahal ko 'yun."

"Alam mo, Chee, matutuwa talaga ako kapag dumating 'yung araw na di mo babanggitin 'yang 'mahal ko yun'."

Napaisip ako sa sinabi ni Ria sakin. Posible bang darating ang panahon na mawala na 'tong pagmamahal ko sa kaniya? 'Yung tipong nakapagmove-on na ko at sobrang masaya na sa kung anong meron ako. 'Yung may boyfriend na akong iba. At kung magkikita kami sa di sinasadyang pangyayari, zero feelings na ba?

Pagkatapos ng usapan namin ni besty, pumunta na ako sa next class ko habang siya sa Student Council Office naman siya pupunta. May aasikasuhin pa kasi siya tapos may meeting pa daw sila.

Buti pa siya excuse sa classes namin! Sana ako din. How I wish lang!

Nagsimula na ang klase namin sa Economics. Medyo boring kasi wala si besty tapos di ko pa classmate si Enzo. Talagang iniiwasan niya ko. Hays. Parehas naman kami na mga Second year college taking up Business Management pero si Enzo, double degree 'yung sa kaniya.

Ang sipag talaga ng boyfriend ko!

Correction, ex-boyfriend nga pala.

Hmp! Napasimangot tuloy ako sa na-realized ko.

"Chloey, chloey.." tawag sakin ng katabi ko sa left side.

Una di ko pa napapansin pero siniko niya ko. Napalingon ako sa gawi niya. "Hmm? Bakit?"

"Tawag ka ni Ma'am oh."

Agad na napatayo ako sa kinauupuan ko.

"You're spacing out again, Ms. Sy." Our prof stated. Okay, nakakahiyang moments na naman.

Minsan talaga, ako ang trip nito. Bigla-bigla na lang akong tatawagin kahit di naman ako nagtaas ng kamay.

"Resolve this problem on the board."

I simply nodded. "Okay ma'am."

Supply and demand 'yung math problem na ibinigay niya sakin. Madali lang 'to, isip-isip ko. Kaparehas lang sa homework na binigay niya samin nong huling linggo.

Nagsimula na ako magsulat sa blackboard ng may kumatok sa pintuan at binuksan ito ng kung sinuman.

Si Namuel...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why We Broke Up?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon