Chapter 23

52 9 2
                                    

Nanah's POV

Nandito  kami ngayon ni Sasa sa may rooftop ng hotel. Medyo maaga kaming nagising parehas kaya't nagpunta muna kami sa rooftop upang makita ang buong lugar.

Sobrang ganda ng buong resort. Napakatahimik din at halos tunog lang ng punong nagsasayaw sa hangin iyong maririnig.

"Dalawa na ang nawawala sa ating kagrupo no? Ang sakit pa rin Nah." napatingin ako sa biglang nagsalitang si Sasa.

"Masaya na siguro kung nasaan na sila." Wika ko sa kaniya saka tumingin din sa kawalan. 

"Hays. Sino kaya yung gumawa sa kanila non? Wala siyang awa." Malungkot na sabi niya sa akin.

"Wag kang mag-alala kapag nalaman ko kung sinong killer. Nako pagdudusahan niya ang lahat  nang ginawa niya sa mga kaklase natin. Bibigyan natin siya ng hustisya." wika ko sa kaniya.

"Talaga lang huh?" ani niya saka tumawa.

"Talaga. Kapag nalaman ko lang kung sino siya sasapakin ko yon." pagbibirong sabi ko sa kaniya.

"Paanong suntok? Patingin nga." natatawang wika nito sa akin.

Agad akong tumayo at pinagsususuntok ang hangin. Pagkatapos kong gawin iyon ay nagtawanan kami dahil sa ginawa ko.

"Wait nga lang. Baba muna ko. Gagawa ako ng kape para naman kabahan ka sa ginagawa mo." sabi nito saka naglakad palabas habang natawa.

"Bilisan mo! Hintayin kita dito." sigaw ko.

Tumayo ako at pinagmasdan ang buong lugar. Maya-maya'y may narinig ako naglalakad papunta sa akin.

"Ang bilis mo yatang magtimpla ng kape." sabi ko habang hindi pa inaalis ang tingin sa buong lugar ng resort. Hinintay ko siyang sumagot ngunit hindi man lang siya nagsalita kaya siya'y aking hinarap.  

Nanlaki ang aking mata  dahil sa isang taong nakamaskara ng nakakatakot ang nasa aking harapan.

Nagtayuan ang aking balahibo sa narinig kong nagsalita sa aking likuran. Nakakatakot ang boses nito. 

Pagkaharap ko ay nakita ko isang tao na nakasuot ng nakakatakot maskara. Ang Killer.

"Surprise." Natatawang sabi nito sa akin.

Sisigaw na sana ko upang humingi ng tulong nang bigla niyang ibinuka ang aking bibig saka may pinasok na kung anong bagay. Hindi ko alam kung ano iyon pero sakit ang aking nararamdaman.

Hinawakan niya sa kaniyang isang kamay ang aking ulo at saka inumpog sa bakal na nasa aking tabi. Medyo nakaramdam ako ng hilo dahil sa lakas ng paghampas nito.

Uulitin niya sana ang pag-umpog sa aking ulo pero buti na lang ay nakailag akong bigla. Tinulak ko siya saka tumakbo.

Ngunit nahawakan niya ang aking paa kaya nawalan ako ng balanse at nadapa.

Lumabas sa aking bibig ang maliliit na pako na kanina niyang pinasok sa aking bibig.

Tatayo na sana ako nang bigla niyang inapakan ng malakas ang aking batok. Sumubsob ang aking muka sa sahig.

"Sa tingin mo, makakatakas ka sa kamatayan mo?" Wika niya saka tumawa ng mala-demonyo.

"Oo, dahil hindi pa ito ang oras ko." Matapang kong sagot sa kaniya. Di ko alam kung saan ako humugot ng lakas pero kailangan kong mabuhay.

"Aba! Matapang ka huh?" Ani nito. Nakita kong kumuha siya ng malaking pako saka tinusok sa aking likod.

"Ahhhh." Sigaw ko habang pinilit na makatayo.

Death is comingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon