Chapter 14

65 15 0
                                    

Xia's POV

Nandito kami ngayon ni Cass sa room namin. Nahiga ako sa kama dahil kakatapos lang namin ligpitin ang aming gamit. Tapos si Cass nakaupo sa baba ng kama habang nagbabasa ng libro.

"Hoy babaita anong nangyari sayo kanina? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Lapag nga!" Tanong nito sa akin.

"Wala yun. Pagod lang siguro ako sa kanina." Palusot ko. Tumungo lang siya at hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa.

Sa totoo niyan. Hindi talaga ako pagod. May bigla lang akong naisip sa lugar na ito. Parang nakita ko na ito dati pero hindi ko matandaan kung kelan at saan.

Ilang minutong katahimikan may naalala ako kanina na sobrang naweirdohan ako.

"Cass may napapansin ka ba sa mga nagtatrabaho dito sa resort?" napatigil siya sa kaniyang binabasa at napatingin sa akin na parang nagtataka.

"Huh? Anong pinagsasasabi mo diyan?" tanong nito sa akin. Umupo ako sa tabi niya upang magpantay kami. Kwinento ko agad sa akin ang nangyari.

[Flashback]

"Guys mauna na kayo. Iihi muna ako, di ko na kase kayang mapigil eh." paalam ko sa kaniya saka umalis. "Di ka ba magpapasama?" Tanong sa akin ni Flame.

"Wag na!" sigaw ko. Habang naglalakad ako may nakasalubong akong isang matandang babae. Nakakatakot siya pero muka naman siyang mabait.

"Lola pwede pong magtanong? saan po dito yung cr?" hindi niya ko sinagot bagkos tinignan niya ko na para bang binabalaan niya.

Nagtaasaan ang aking balahibo sa katawan at nakaramdam ng konting takot sa kaniyang titig na animoy may pinapahiwatig.

"Sana hindi na lang kayo pumunta dito. Umalis na kayo hangga't maaga pa." sabi niya habang nakatingin pa rin sa aking mga mata.

"Po?" umalis siya nang hindi man lang sinasagot ang aking tanong.

Anong nangyari doon? Bakit sinabi niyang hindi dapat kami pumunta dito? Tsaka bakit kami aalis? ang ganda kaya dito. Takte ang weird ni lola.

Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang sinabi at pinagpatuloy ang ang paghahanap sa cr.

[end of flashback]

"siguro ayaw niyang may kasama silang iba sa resort na ito. Ang iingay kase natin eh." pagbibirong sabi ni Cass saka tumayo.

Siguro nga nangingibago lang ang ibang tao dito dahil sa amin.

"Alam mo, tumayo ka na diyan. Puntahan na natin sila Sky para malibot natin itong buong resort." yaya sa akin ni Cass habang nasa labas na ng pinto.

"Sige. Puntahan na natin sila sa may 3rd floor." Sabi ko sa kaniya saka tumayo at naglakad palabas.

Pagkalabas pa lang namin ng pinto ay nakasalubong namin sina Andy, Maria, Sasa at Nanah na bumababa at mukang maliligo dahil lahat sila ay nakaswimsuit na. "Let's go guys let's ligo ligo na." Conyong sabi sa amin ni Maria.

"Pupuntahan pa namin sila Sky eh." Sabi ni Cass sa kanila. "Ahh sige una na kami." Sabi naman ni Sasa sabay lakad pababa.

Nang paakyat pa lang kami ng hagdan, nakita namin sina Flame at Sky na pababa. "Oh? Bakit kayo nandito? Papunta sana kami sa inyo para yayain kayong maggala." Wika ni Flame sa amin.

Nagkatinginan kami ni Cass at napatawa dahil sa parehas ang aming iniisip. "Hala Flame, nabaliw na yata ang mga kaibigan natin." Ani ni Sky habang may paghawak pa sa braso ni Flame.

"Siraulo. Napatawa kami dahil ganon din dapat gagawin namin. Tsaka wag mo kaming igaya sayo Sky." Paliwanag ko sa kaniya. Siraulo talaga itong kaibigan namin mukang kinulang sa buwan eh.

"Tara na nga baka mas lumala pa yung kaabnoyan ni Sky." wika ni Flame kaya't naglakad na kami pababa. "Hoy! gaya mo ko sa inyo." hindi na namin pinansin si Sky at pinagpatuloy pa rin ang paglalakad.

Nang makababa na kami, nakasalubong namin sila Rhys na mukang may hinahanap.

"Uhm, Xia nakita niyo ba sila Drake? Kanina pa kasi namin hinahanap di namin makita. Sobrang laki kase ng lugar na ito." Tanong sa akin ni Rhys.

"Hindi eh. Tanong mo na lang doon kay ate." Sabay turo ko sa isang babaeng naglalakad na may dalang basket. Muka kaseng taga-dito baka matulungan niya sila Rhys sa paghahanap.

"Sige salamat." Binigyan niya lang kami ng matamis na ngiti saka lumisan.

Naglakad-lakad kami ng makarating kami sa isang kwarto. Medyo may kalakihan siya at medyo madilim sa loob. Pumasok kaming apat saka binuksan ang ilaw.

"Wow! May gym din pala dito." Namamanghang sabi ni Sky. "Wala bes, joke lang itong nakikita mo." Pagbabara ni Cass kay Sky.

"Muka mo joke." Umilag agad si Sky dahil alam niyang babatukan na naman siya ni Cass dahil sa sinabi nito.

"Lumabas na nga tayo. Wala naman tayong gagawin dito eh." yaya sa amin ni Flame. Pinatay muna namin ang ilaw saka tuluyang lumabas.

Nang ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Napumunta kami sa pool na may mahabang slide. Nandoon ang mga kamag-aral naming nagtatampisaw sa tubig at nagpapadulas.

"Hala? Gusto ko makapagslide." Sabi ni Sky sabay takbo paakyat sa hagdan upang makapagslide.

Susunod na sana kami ngunit napatigil kami dahil narinig na sigaw mula sa aming kamag-aral.

Death is comingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon