Chapter 26

33 4 4
                                    

Chester's POV

Ang sayang isipin na ang kahit ilang taon na nila kong kasama at ngayon lang nila nalaman ang totoo kong kasarian. Tinanggap agad nila ko. At ni hindi man lang nagalit dahil sa itinago ko sa kanilla iyon.

Hindi ko kasi inaasahan na ganon ang magiging reaksyon nila. Medyo nagoverthink kasi ang lola niyo. Feeling ko tuloy sobrang bless ko.

Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ito. Etyex, Nick at Nanah, kung saan man kayo naroroon, sana maging masaya kayo dyan. 

Hindi namin kayo makakalimutan. Hahanapin namin ang hustisya sa inyo kapag nakilala na namin kung sino ang gumawa sa inyo niyan.

"Hoy di ako marunong lumangoy!"

"Pre kain muna tayo."

"Omg! So lamig ng water."

"Gwapo ko talaga."

Napatingin ako sa aking mga kamag-aral na nag-eenjoy sa kanilang mga ginagawa. Tila walang nangyaring masama nitong nakaraang araw.

Mag-aapat na araw na kami dito at puro takot na lamang ang aming nadarama. Sana nama'y matigil na ang killer sa kaniyang ginagawa.

"Bakla, tara na!" Sigaw ni Andy na kasalukuyang nakikipagtalsikan ng tubig kila Maria.

Umiling muna ako saka tumayo at nagtungo sa kanila upang makipagsaya. Medyo nasanay na rin akong tinatawag na bakla dahil simula nung nalaman nilang may pusong babae pala ko.

Umupo muna ko sa may gilid ng pool habang nakasawsaw ang aking paa sa tubig.

"Mga pre, slide lang kami." Paalam ni Kurt na nakatopless ngayon. Yung abs bes, yung abs. Give me some air please.

"Hirap nun pre. Slide ka?" Asar ni Rhan.

Tinaas lang ni Kurt ang kaniyang gitnang daliri saka sila nagtakbuhan paakyat sa may hagdan upang magslide.

Pinagmasdan lang namin sila habang nag-uunahan at naghihigitan pa ng shorts para lang makaakyat sa itaas. Medyo kinakabahan nga ako sa kanila e, hindi sa pwede silang mahulog kundi ang mahulog ang shorts nila. Ganern, harot ng lola niyo.

Nang makarating sila, ay nasa unahan si Zack na siyang inaasar pa ang kaniyang katropa. Napangiti lang kami dahil para silang batang nagkukulitan at nag-aasaran.

"IMMM ONNN THEEE TOPPP OFFF THE WORLDDDD." sigaw ni Zack bago siya magslide.

Hinintay namin siyang bumagsak ngunit parang medyo matagal sa normal na pagslide ng isang tao.

"Sobrang haba ba ng slide para abutin ng ilang oras si Zack sa loob?" Pabirong sabi ni Yovhin na kanina ay naglalaro ng volleyball sa tubig kasama sila Faith.

Ilang saglit, nagtaka na talaga kami dahil para bang biglang dumumi ang tubig na nanggagaling sa may slide.

"Ano? Bumagsak na ba?" Sigaw na tanong sa amin ni Rhan na nakapwesto na sa may slide. Umiling lang kami bilang sagot. Gumuhit naman agad sa mukha nila ang pagtataka.

"AHHHHHHHH." nagulat kami dahil sa sigaw ni Sky. Napatingin kami sa kaniyang tinitignan at halos manghina ang tuhod namin dahil sa aming nasaksihan.

Agad kaming nag-ahunan sa pool na kanina ay tubig ngayo'y puro dugo na.

Tinignan namin kung paano magslide pababa ang hati-hating katawan ni Zack na tila hiniwa-hiwa ito ng pino.

Nakita naming nagmamadaling nagbaba ang mga kabarkada niya mula sa itaas.

"Sh*t." Rinig kong sabi ni Rhan nang makita niya ang hiwa-hiwang katawan ni Zack na ngayon ay lumulutang na sa tubig.

"A-anong nangyari? B-bakit? Z-zack." Nangangatog na sabi ni Vash.

Mas lalo kaming nanghina nang biglang lumitaw ang ulo ni Zack pababa ng slide. Puro dugo at nakamulat pa ang mga mata.

"Waahh." Sigaw ng mga babae. 

Naiiyak na lumusong papuntang tubig si Alex upang kunin ang bangkay ng kaibigan. Hindi ko inaasahan ang nangyari na ito. Akala ko masaya na. Akala ko ok na. Akala ko makakamove-on na kami. Pero akala lang pala lahat ng iyon.

"Nice plan." Napatingin kami sa nagsalitang si Drake na nakatingin sa ilalim ng slide ngayon. Tinaas niya ang kaniyang mga kamay na para bang may kinakalikot doon.

Pinagmasdan lang namin siya hanggang may nahulog na kung akong bagay na mabigat mula doon. Isang malaking blade.

Mukhang ito na yata ang kumitil sa buhay ng aming kamag-aral. Sobrang laki nito at mukhang sobrang talas.

"Bwiset." Galit na pinagsusuntok ni Kurt ang slide.

Napapikit ako habang kinakalma ang aking sarili. Sa isang killer, sobrang talino niya. Kaya niyang gumawa ng plano kahit sa mga ganitong oras.

*Fur Elise*

Ito na naman ang pinakanakakatakot na tunog sa buong buhay ko. Ang tunog na kung saan maririnig mo kapag siya'y nakapatay na ng tao.

"Kamusta ang pagsasaya niyo mga kaklase? Nag-enjoy ba kayo?" Tanong nito saka biglang tumawa ng malakas.

Kung alam ko lang kung sino ang nasa likod ng pangit na maskarang yan. Nako. Kakalbuhin ko siya.

"Tang*na, ano bang problema mo ha? Ganiyan ka na ba kaduwag? Di ka marunong lumaban ng patas." Giit ni Kurt.

"Wala kang puso. Hindi ka man lang naaawa sa mga kaklase natin. Bakit ayaw mo na lang maging masaya? at itigil itong kabaliwan mo." Sigaw ni Nikka habang nakatingin sa screen na nasa kaniyang harapan.

"Awa? Wala ng salitang awa para sa akin. Hinding-hindi ko kayo hahayaang sumaya. Sisirain ko kayo. Sisiguraduhin kong kayo-kayo mismo ang papatay sa isa't isa." Ramdam mo sa bawat bigkas niya ang galit at sakit. Nilamon na siya ng poot.

"At saka nandito naman na tayo, bakit ko pa ititigil? Tss. nararapat lang sa inyo ang nangyayari."  Natatawang wika nito.

"Well, hanggang sa muling patayan mga kamag-aral." Tumawa muli ito at agad na nagblanko ang lahat ng screen.

Nagulat kami dahil sa biglang paglabas ng mga trabahador ng resort na ito. Lahat sila ay may mga mask sa bibig. Dere-deretso sila sa lugar kung saan nakalatag ang bangkay ni Zack na nakuha ni Alex kanina.

Naglabas sila ng isang sako at isa-isang pinasok ang hiwa-hiwang katawan ni Zack pero bago nila mapasok lahat ay biglang kwinelyohan ni Alex ang isa sa mga ito.

"Alex." Gulat na sabi ni Flame sa ginawa nito.

"Sino siya? Sino ang nag-uutos sa inyo nito? Sino?" Bulalas nito. "Ano? Sumagot kayo!" Inawat na agad niya ng kaniyang mga kaibigan dahil kung ano pa ang magawa nito. 

Hindi naman siya sinagot ng mga ito bagkus ay naglakad na ito palayo.

"Lex tama na. Wala na tayong magagawa." Pagpapahinahon sa kaniya ni Faith. Inayos naman ni Alex ang kaniyang sarili saka nagpabugtong-hininga.

Tinignan niya kami lahat sa mata at yumuko. "Gusto mo ng laro? Pagbibigyan kita." Ngumiti muna ito ng bahagya saka naglakad pabalik sa hotel.

Siguro nga kailangan naming makipagsapalaran dito sa laro ng killer. Kailangan maging matatag at malakas. Walang mangyayari kung puro hintay lang kami sa gagawin ng killer, dapat may gagawin din kami laban sa kaniya.

Ihahanda ko na ang sarili ko sa anumang mangyayari. At pipilitin kong makalabas sa mala-impyernong lugar na ito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Death is comingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon