Chapter 6

64 20 1
                                    

Xia's POV

"Anong nangyari sayo? para kang nakakita ng salamin." tanong ni Flame nang makarating na ako sa baba. "Baka nakipagfun run sa kapwa niya multo" pagbibiro naman ni Sky.

"Grabe kayo kay Xia, baka nalaman niya lang na hindi siya tao" dagdag naman ni Cass.

"Mga siraulo" nasabi ko na lang saka naglakaad palayo. Narinig ko namang nagtawanan silang tatlo sa aking likod.

"Eto naman, di na mabiro" habol sa akin ni Cass sabay hawak sa aking balikat. "Ok lang naman yun Xia e. Tanggap ka pa rin namin promise" inirap ko na lang sila at binilisan ang lakad papuntang dorm. Sumunod naman sa akin sa paglalakad.

-Dorm-

"Hoy Xia magkwento ka na kase!" sabi sa akin ni Flame. Nandito kami ngayon sa kwarto at kanina pa nila ko kinukulit kung anong nangyari kanina.

"Oo nga para namang wala tayong pinagsamahan" umacting pa si Sky na parang naiiyak. Abnoy talaga takte. "Kapag di mo sinabi ngayon dadalawin ka namin sa panaginip mo tapos doon ka namin kukulitin" pagbibiro kong sabi ni Cass saka nagtalukbong ng kumot at gumapang papunta sa akin.

Nakaramdam na naman ako ng takot sapagkat naalala ko naman ang aking napanaginipan. "Joke lang naman yun. Di ka talaga namin dadalawin pero kung ayaw mong magkwento wala kaming magagawa kundi dal---- aray ko naman" pinitik ni Flame si Cass sa tenga at pinandilatan ng mata.

Tinignan ko sila saglit at napagdesisyunang ikwinento sa kanila ang napanaginipan ko at kung ano ang sinabi sakin ni Etyex bago ako magising.

Pagkatapos kong magkwento ay nanlaki ang mata nila na para bang nagulat at natakot sa kanilang nalaman.

"So? Sa tingin niyo guys may meaning yung sinabi sa akin ni Etyex?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan muna sila bago sumagot.

"Hindi naman siguro totoo yun tsaka nasa bar sila. Mga lasing ang tao doon baka nagpagdiskitahan lang siya." paliwanag ni Flame. "O baka naman totoo." nagtayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi ni Cass.

"Bakit mo naman nasabi yun?" tanong ko. "Ewan ko, baka lang naman e" Sabi niya sabay higa sa aking kama.

"Alam niyo ikain na lang natin ito. Masyado niyong ini-istress sarili niyo" singit ni Sky na may dala ng chitchirya. "Saan galing yan?" Tanong ni Flame saka kumuha ng isa. "Binili ko kanina" sagot naman nito at saka hinagis ang ilan sa amin.

Hindi ko na lang muna inisip yung tungkol sa aking panaginip dahil baka wala lang talaga iyon at kumain na din lamang.

Maya-maya ay naisipan nilang dito muna makikitulog. Pumayag naman ako dahil kahit naman umayaw ako e dito pa rin sila matutulog.

Nagkwentuhan muna kami saglit. Maya-maya'y nakaramdam na kami ng antok kaya't humiga na kami sa kama. Dalawa kase kami ni Cass sa kwarto so dalawa ang kama.

Si Sky at Cass doon sa isa at katabi ko naman si Flame. Tinignan ko muna sila, mga tulog na ang mga lokaret. Humiga na rin ako saka pinikit ang aking mga mata.

Death is comingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon