Chapter Five

7 1 0
                                    

Di ko nalang pinansin yung dalawang loko-loko na nasa harapan ko ngayon na hanggang ngayon tumatawa pa rin. Kaya hinayaan ko nalang sila at pinagpatuloy yung pagkain ko.

Nagulat nalang ako nang biglang may humalik sa pisngi ko na siya rin nagpatahimik sa kina Hans at Renz at kinagulat ko. Paglingon ko si Star pala kaya napakunot noo naman ako.

"Apology Accepted baby di naman ako galit sayo nagtampo lang talaga ako sayo kaya di kita pinansin pero alam mo naman mahal na mahal kita diba kaya di ko kayang magalit sayo" sabi ni Star.

Natawa naman sila Hans at Renz at yung mga tao naman nagtitinginan samin.May iba namang nagbubulungan. Fudge! Di ba siya nahihiya sa pinaggagawa niya.

"Pwede ba Star manahimik ka!Tsaka anong Apology Accepted?Nanghihingi ba ako ng sorry sayo?Tss mahiya ka nga" sabi ko sakanya

"Ehh Baby alam ko naman na you feel sorry eh kaya apology accepted na kahit di mo pa sinasabi" masigla niyang sabi

"Feel sorry for what?Wala naman akong ginawa sayo diba?" Tanong ko

"Diba yung kanina pero nevermind nalang yun baby mahal na mahal na mahal na mahal naman kita eh" sabi niya sakin

Tumili naman sina Hans at Renz nagmukha tuloy silang bakla.

"Tss like I care" sabi ko

"Ohh!!May Care ka sakin baby?so ibig sabihin mahal mo din ako" sabi niya na siyang kinainis ko.

Ano ba pinagsasabi ng babaeng to?

"Sabi ko Like I Care hindi I Care bingi ka ba o sadyang bobo ka lang talaga" inis kong sabi

"Ito naman joke lang baby baka sakaling tumawa ka" sabi niya

"Joke ba yun ?So Nakakatawa pala yun? Pero alam mo di mo na kailangan magjoke para lang mapatawa ako kasi mukha mo palang tawang-tawa na ako" pang-iinis ko sakanya.

"Mahal na mahal pa rin kita Light ko" nakangiti niyang sabi na parang walang narininig.

"Tss ewan ko sayo" sabi ko

Nasa Cafeteria pala kami nakakahiya talaga tong babaeng to ang hilig mag-eskandalo.

Tumayo na ako at mabilis na naglakad palabas ng Cafeteria hindi ko na hinintay pa sina Hans At Renz kasi alam ko naman na hindi nila ako susundan di pa kasi sila tapos kumain.

Ganyan kasi sila kahit mga anak mayaman hindi sila nagsasayang ng pagkain marami daw kasing nagugutom ngayong panahon eh. Pero ako hayaan na nga nawalan na din ako ng gana ng dahil sa babaeng yun.Haysstt!!!!

Nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa kamay ko at sino pa ba?Tss!

"Baby bakit di mo naman ako hinintay?"sabi ni Star na naka-pout

Inalis ko naman yung pagkahawak niya sa kamay ko.

"Bakit naman kita hihintayin?Sino ka ba sa inaakala mo ha?Tsaka pwede ba lubayan mo na ako" iritang sabi ko

"I can't live without you baby alam mo naman na mahal na mahal na mahal kita" sabi niya sakin

"Tss Whatever MS.PEREZ!"sagot ko

" I lOVE YOU SO MUCH LIGHT SEAN ANDERSON!" sigaw niya

Sh!tt Nakakahiya talaga tong babaeng to pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao ngayon. Kaya hinila ko naman siya agad at dinala sa garden ng School.

"Bakit ba ayaw mo kong tigilan ha?Ganun ka na ba kadesperada?Tsaka di ka rin ba nahihiya habol nang habol ka sakin" inis kong tono

"Ito lang ang masasabi ko sayo MAHAL KITA AT HINDING-HINDI KO HAHAYAAN NA PAKAWALAN KA!" sagot niya.

"Pwes bahala ka sa buhay mo.Ito lang din ang masasabi ko sayo!KAHIT KAILAN HINDI KITA MAMAHALIN ALAM MO KUNG BAKIT ?KASI PAGNAKIKITA PA NGA LANG KITA NAIIRITA NA AKO YUNG BANG PARANG NASA IMPYERNO AKO. HINDI KO MATUTUNANANG MAHALIN ANG ISANG KATULAD MO!" sabi ko sakanya

Nakita kong maluha-luha na yung mga mata niya na anytime babagsak na ang mga luha niya pero wala akong pakialam sa kanya.

Kaya iniwan ko na siya sa Garden hindi niya naman ako hinabol.

Siguro nga mas mabuti na yun
na masaktan siya nang mas maaga kasi ayoko rin namang paasahin siya na magkakagusto ako sa kanya at sana magising siya na kahit kailan hindi ko siya matutunang mahalin hindi ko matutunang mahalin ang isang tulad niya. Hinding-hindi ko mamahalin ang isang Star Kaye Perez.

Chasing Light Anderson[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon