Chapter Six

8 1 0
                                    

Star Pov:

Pagkaalis na pagkalis ni Light humagulgol na ako sa iyak.

Ano bang mali sakin!

Ano ba ang isang tulad ko!

Maganda naman ako diba, at mayaman!

Mahirap ba talaga akong mahalin?Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin Light?,
yan ang mga gusto kong sabihin kanina na di ko masabi-sabi sa kanya.

Masakit lahat ng mga binitawan niyang salita sakin. Parang ikamamatay ko na nung narinig ko lahat yun na nanggaling mismo sa bibig niya.

Mas okay pa nga ata kung lagi niya akong pinagtatabuyan kaysa marinig ang mga salitang yun na kahit kailan hindi niya ako kayang mahalin na hindi niya kayang mahalin ang isang tulad ko.

Pero ano ba talaga ang isang tulad ko sa kanya?Sa tingin niya ba kagaya ako ng mga babaeng malalanding umaaligid-aligid sa kanya pwes nagkakamali siya kasi di ako katulad nila.

Sa kanya lang naman ako naging ganito.

Naging sobrang desperada para makuha siya at lahat gagawin  para mahulog ang loob niya sa akin.

Sa kanya lang naman ako nagpakatanga eh kasi naniniwala ako na siya na ang the one ko siya na ang true love ko dahil siya lang ang kauna-unahang lalaking nagpatibok ng puso ko ng ganito kabilis.

Napaupo ako sa damuhan habang umiiyak.

Nagmamahal lang naman ako diba?Wala namang mali dun.

"Mahal lang naman kita Light Sean Anderson"sabi ko sa hangin.

Nang biglang may lumapit sakin at umupo sa tabi ko si Tiffany lang pala.

" Sorry bessy kung ngayon lang ako kainis kasi yung prof. namin ang tagal magdismiss" yinakap niya ako.

"Okay lang bessy" tipid kong sagot at kumalas na siya sa pagkayakap niya sa akin.

"Bessy punasan mo nga yang luha mo sige ka papangit ka nyan" alok niya sa akin ng panyo niya kaya tinanggap ko naman ito at pinanusan yung mga luha ko.

"Mas mabuti nga na pumangit nalang ako baka sakaling magustuhan ako ng pinsan mo" sarcastic tone

"So, Si Light ba naman dahilan ng pag-iyak mo?Ano bang nangyari bessy ha?" tanong niya naman

"Sasabihin ko mamaya pero pwede bang umuwi nalang muna tayo" sabi ko mamaya

"Okay bessy"

Pagkadating namin sa Condo hinila agad ako ni Tiffany sa couch.

"So kwento ka na dali bessy"sabi niya

"Haysst Excited lang" sagot ko

"Oo nga excited ako para masapak ko yung Light na yun kung sinaktan ka niya physically" sabi niya nang natatawa

"Sira!di naman ata bakla yung pinsan mo para patulan ako" sabi ko nang natatawa

Ito ang gusto ko kay Tiffany kasi pagkasama mo siya kahit sobrang lungkot mo bigla ka na lang matatawa sa kabaliwan niya.

"Haha sige na magkwento ka na baka ikaw tuloy yung masapak ko" banta niya sakin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Joke lang bessy alam mo naman na labs na labs kita kaya magkwento ka na" natatawa niyang sabi

" Ito na kasi ganito yun~ at
Kweninto ko lahat yung nangyari sa garden"

"Bessy alam kong masakit yun sayo yung mga narinig mo pero maybe you should Accept it,at  baka sinabi niya yun dahil ayaw ka na niyang umasa pa ayaw ka niyang saktan pa" naawang tonong sabi ni Tiffany

Kaya napaluha naman ako.

"Bessy maganda naman ako diba at mabait?Bakit ayaw niya sakin?" Tanong ko na naiiyak

"Oo bessy maganda ka at mabait siguro kung dati ka pa nakilala ni Light baka nagustuhan ka niya pero ngayon malabo na ata" sabi niya sakin

"Ha?What do you mean bessy?" Naguguluhang tanong ko

"Kasi ganito yun simula nung iwan siya ni Tita Jane which is his Mom nagbago ang pananaw niya sa mga babae. Sumama kasi si Tita Jane sa ibang lalaki leaving him alone with his Dad. Ang tingin niya ngayon sa mga babae ay malalandi at hindi marunong makontento sa isa kaya ayaw ng kahit na anong affection sa mga babae."sabi ni Tiffany

"So It means na trauma siya bessy?Natatakot na siyang masaktan ulit?tanong ko

"Maybe Yes bessy" sagot niya

Bigla naman akong nabuhayan.

"Ngayong alam ko na ang kwento niya I won't give up on him.Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kahit kailan hindi ko siya iiwan.Mahal na mahal ko ang pinsan mo bessy" sabi ko

"Bessy talaga grabe mainlove" natatawang sabi niya

"Kasalanan to ng pinsan mo ang lampa lampa kasi eh tatawid na nga lang sa isip ko mahuhulog pa sa puso ko" nakangiting sabi ko

"Haha hala kailangan na ata kitang ipasok sa mental baliw ka na" sabi niya na tumatawa

"Oo bessy Baliw na baliw ako sa pinsan mo" sagot ko

"Yucks!Ang Corny haha" sabi niya

"Lumayas ka na nga"natatawang sabi ko

"Grabe layas talaga.Ohh ito na uuwi na po ako" sagot ni Tiffany

"haha bye bye bessy"

"Oo na babush see you tomorrow" sagot nya

Umalis na siya.

Napangiti naman ako habang inaalala ko si Light.

"Mamahalin kita hanggang sa mahalin mo din ako" sabi ko sa sarili ko.

Pangako yan!

Chasing Light Anderson[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon