Chapter One

31 4 5
                                    

Light Sean Anderson POV

*Kring kring kring⏰⏰⏰~*Napamulat ako sa ingay ng alarm clock at kasabay nito na tumunog ang cellphone ko. Umupo muna ako sa kama at sumandal sa headboard then I get my phone.

" Good morning babe,baby,honey,love,sweetie😊Kumain ka na pagising mo ha😊Wag na wag kang magpapalipas dahil Breakfast is the most important meal😊See you later I love you sobrang mahal kita😊" text sakin ni Star na siyang kinasira ng Araw ko.

Simula naman ng malaimpyerno kong buhay. Di ba siya nadidire sa text niya sa akin kasi ako sukang-suka na. I hate that girl so much she is going to my nerve.

Kailan niya ba ako tatantanan, kailan ba siya titigil, kailan ba niya ako lulubayan?.

Hayys! makatayo na nga bago pa ako sumabog sa kabuisitan dito nang dahil sa babaeng yun. I do my morning routines then Bumaba na ako at hindi na nag-abala pang replyan yung buisit na babaeng yun.

"Good morning yaya"bati ko kay yaya ng nakangiti

"Good morning din iho,mag-almusal ka na"bati niya sakin sabay hila ng upuan ko para umupo na ako. Napansin kong isang plato lang ang nakahain sa lamesa.

"Ya, where is Papa?"Tanong ko

"Umalis siya kaninang madaling araw iho papuntang New York may aayusin daw, siguro yung Negosyo niyo yung pinunta niya"sagot naman ni Yaya

" Ilang araw po ba siya dun?"tanong ko ulit

"Isang linggo daw siya dun iho wag kang mag-alala sandali lang yun Papa mo dun"sagot ni yaya.

Bumuntong hininga nalang ako at parang nawalan ng gana kumain kaya tumayo nalang ako.

"Sige ya, pasok na ako malalate na kasi ako eh" paalam ko kay yaya

"Iho kumain ka muna kahit konti lang para naman magkalaman yang tiyan mo maaga pa naman eh" pigil sakin ni Yaya

"Hindi okay lang po sige alis na po ako malalate na po talaga ako" pagsisinungaling ko at tuluyan na akong umalis bago pa magsalita si Yaya.

Simula noong iniwan kami ni Mama at ipinagpalit niya kami sa dati niyang boyfriend naging ganyan na si Papa, nagpakabusy sa Business at nawalan na siya ng oras sa akin.
Kung dati ay halos nagkakabonding kami ni Papa at may oras siya lagi sakin ngayon wala na. Halos hindi ko na siya makasabay mag-umagahan at halos wala siya sa bahay buong araw.

Hayyy!!!Ayoko na nga isipin yun at nagdrive nalang ako papuntang School.

By the way bago ang lahat ako nga pala si Light Sean Anderson 18 years old and I Hate Star Kaye Perez isang babae na baliw na baliw at isang obsessed sakin. She always makes my life like a hell. Kaya sobrang nagsisi talaga ako na tinulungan ko siya dati dapat pinabayaan ko nalang siyang dati para tahimik ang buhay ko ngayon.

Chasing Light Anderson[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon