Chapter Three

10 5 0
                                    

Pagka-labas na pagkalabas ko palang sa kotse ko narinig ko naman ang tili ng mga babae. Hayys! Di ba sila napapaos kasisigaw araw-araw, mga babae talaga ang lalandi!.

"Oh bro aga-aga ang sama ng aura mo" sabi ni  Renz isa sa mga tropa ko na pinaka-baliw pero mabait naman yan

"Oo nga! Dapat ngumiti ka Light tingnan mo ang daming babaeng nakatingin sayo baka maturn-off sila pagnakita nilang nakasimangot ka" biro ni Hans siya ang playboy sa aming tatlo.

"Tss!Like I care!Ang lalandi ng mga babae ngayong henerasyon" inis na sabi ko.

"Ohh chill bro di naman lahat" sabi ni Hans

"Pare-parehas lang sila maski nga nanay ko may anak at asawa na naghanap pa rin ng iba" inis na sabi ko ulit

"Bago pa magkainitan pumasok na nga tayo" pag-iiba ng usapan ni Renz.

Alam nilang dalawa ang naging sitwasyon ko dati at ngayon. Alam nila kung ako gaano ka galit sa Ina ko. Sila ang lagi nandyan tuwing may problema ako kung baga mga totoo ko silang kaibigan.

By the way Hearthrob kami sa School dahil sa gwapo kami at mayaman pa kami actually may shares kami sa University na ito kumbaga mga Co-owners kami pati din si Star.

Speaking of Star, buisit makikita ko naman yung babaeng yun!.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room bigla niya akong yinakap ng mahigpit kaya mabilis kong inalis ang pagkayakap niya

"Pwede ba wag mo kong yakapin nakakadiri ka kababae mong tao tapos mangyayakap ka bigla ng lalaki tss" inis na sabi ko.

Nakita ko naman lumungkot bigla yung mata niya pero wala akong pakialam kaya umupo nalang ako sa upuan.

Si Star din ay umupo na sa tabi ko seatmate ko kasi to eh at dumating na yung prof namin. At nagsimula ng magdiscuss kaya nakinig nalang ako.

Napansin kong di ako kinulit ni Star ngayon first time to. Siguro nasaktan siya sa sinabi ko kanina pero wala akong pakialam mas mabuti nga yun eh sana magpatuloy na to para matahimik na ang buhay ko.

Chasing Light Anderson[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon