Chapter 1: I'm Back

1.2K 9 1
                                    

"Nako girl! Akala namin for good ka na sa Greece. Paano ba naman after graduation nawala ka na agad." Ani Sienna, college friend ko.

"Ano ba, Sienna. I just want some space. At saka, para mahanap at makilala ko naman ang sarili ko." Sagot ko bago uminom ng alak.

"Nakilala at nahanap mo naman ba ang sarili mo, girl?" sabi ni Lia.

"Of course!" Taas noo kong sagot.

We're here at Ace bar. Nasa legal age naman na kami. Duh? I'm twenty. I also asked my mother if it's alright and she said yes.

"Okay, kung talagang okay ka na, gagawin mo yung dare ko?" Hamon ni Sienna.

"Okay, deal!" Bakit ba ayaw nilang maniwala na ayos na ako? Mukha pa rin ba akong miserable gaya ng dati?

"Nakikita mo yung guy na nandoon sa may counter?" Tiningnan ko yung itinuturo ni Sienna at nakita ko naman agad ang tinutukoy niya.

"Oh, ano ngayon?" Sabi ko. "Makipagkilala ka." What? Ako ng babae, ako ang lalapit at makikipagkilala?

Pero dahil sa dare niya at para na rin mapatunayan ko sa kanila na okay na ako, gagawin ko.

Huminga ako ng malalim at tumayo. I brushed my hair using my fingers.

"Wooo go girl!" Ani Lia.

Naglakad ako palapit sa lalaki.

"Hey." Bati ko nang makaupo ako sa tabi niya. Tiningnan lang niya ako. What? Walang effect?

"I'm Lori, and you are?" Pakilala ko, and this time humarap siya sa akin at ngumiti. "I'm Dean."

Tumingin ako sa mga kaibigan ako at nakita ko silang nakangiti at nag-thumbs up pa. Anong akala nila sa akin? I am Julia Escuadro, hello?

Lumalalim na ang gabi at kasama ko pa rin itong si Dean na tila hindi nalalasing. Sa halos tatlong oras naming paguusap, nakilala ko rin siya. He's the only son of Engineer Pedrosa, mayaman rin ang angkan nila dahil kilala sila sa may pinakamalaking firm sa buong lalawigan. And he's twenty years old, single, an architect, mayroon din siyang studio dito. Oh hindi ba? Kilala ko na siya. But still, I'm not interested.

"How about your lovelife, Lori? Wala bang magagalit kapag nakita tayong magkausap?" Tanong niya.

"I don't have a boyfriend. He broke up with me." I said.

"Oh I'm sorry to hear that." Aniya. "No it's okay. Isang taon na rin ang nakalipas." Wala naman na . akin ngayon iyon, promise. Okay na ako

"So you're still moving on?" Sabi niya at uminom ng beer. "Correction. Naka-move on na 'ko. That's why I'm here." Sabi ko.

Mga bandang two nang mag-aya na akong umuwi. Medyo may tama na rin ako, e.

"I'll drive you home." Alok niya. "Thanks, but no thanks. Dala ko rin ang kotse ko, e. I have to go. Nice to meet you, Dean." Paalam ko sa kanya. Pero bago ko pa maisara ang pinto ay hinarang niya ang kamay niya.

Napatingala ako, "I hope to see you again, Lori." Aniya at tumalikod na.

I hope not to see you again. I hate boys. For now, I have no time for that. Uunahin ko muna ang mga priorities ko. Hindi pa ba ako natuto sa nakaraan ko? Lahat ng lalaki, sasaktan lang ako. Yung mga lalaking 'yan, manloloko! Gaya ng sarili kong ama. So paano pa ako magtitiwala?

Pagkadating ko ng bahay ay tulog na ang lahat. Sino ba naman ang maghihintay sa akin ng ganitong oras.

"Where have you been, little brat?" Nawala ang hilo ko nang makita ko si Papa na nakaupo sa sala habang umiinom ng wine.

"Bar." Nagdire-diretso lang ako paakyat at ni-lock ang kwarto ko.

Ayokong makipagtalo kay Papa, at isa pa, bakit siya nandito? Akala ko ba nandoon siya sa kerida niya? Noong nasa Greece kasi ako, 'yan ang palaging sinasabi ni Mama sa akin, halos twice a week lang daw ito umuwi sa kanya, dito sa amin.

Ewan ko ba naman kay Mama, naaatim pa na makita si Papa. Two years na naming alam na may iba siya, pero hindi pa rin hiniwalayan si Papa. True love daw, sabi ni Mama. Well, true love sucks! It really sucks!

***

"Julia, late ka na raw umuwi sabi ng guard?" Sabi ni Mama nang makaupo ako.

Inikot ko ang tingin ko. Wow! Kumpleto kami ngayon ha? At sabay sabay pang kakain.

"Sorry about that, Ma. Napasaya lang yung kwentuhan namin nina Sienna at Lia. One year din akong nawala." Sabi ko pagkaupo.

Sa mahabang mesa namin, katapat ko ang Ate ko.

    Mama Ate Gail
Papa
    James Ako

Hindi ako sanay na ganito kami kapag kumakain. Usually kasi, kami lang ni Mama at James noong hindi pa ako umalis papuntang Greece.

"One year lang naman, ah? Gaano ba kahaba ng usapan ninyong magkakaibigan at umabot hanggang madaling araw?" Ani Papa. Napaihip nalang ako.

"Duh. Bar nga, e." Bulong ko. Sinipa naman ako ni James. Kakambal ko.

"So, what are your plans, Julia? Since your back.. balak mo na bang pumasok sa kompanya?" Tanong ni Papa. Mga ilang segundo bago ako sumagot.

"I would love to, Papa. Pero ayoko sa sariling kompanya. Ayokong mapapasok ako sa trabaho dahil tatay ko ang may ari. I hope you don't mind." Sagot ko. Hello? Ayoko siyang makita hangga't maaari.

"We respect your decision. Pero are you sure na kaya mong mag-apply and then ma-rereject ka lang?" Aniya. Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko.

"What do you think of me? A failure?" Tumayo ako, nakakawalang gana!

"Kinakausap kita, Julia. 'Wag mo akong tinatalikuran!" Hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako paakyat. Buo na ang loob ko, kung ayaw niyang umalis sa pamamahay namin, ako ang aalis. Sa condo ko nalang ako. Mas mabuti pa yung mag-isa kaysa kasama mo nga ang buong pamilya mo, pero hindi ka tinatrato na kapamilya. Anong tingin niya sa akin? Walang alam? Hindi kayang tumayo sa sariling paa?

Kumakain pa rin sila nang umalis ako ng bahay. Tinatawag ako ni Mama pero hindi ako lumingon. Dumiretso ako sa kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis. Buti ay nakita ako ng guard kaya nagmadali siyang buksan ang gate.

"I hate this life!" Sana hindi nalang siya ang naging ama ko! Magsama sila ng kabit niya!

Nang makarating ako sa condo ko ay tinawagan ko si Lia. May ari ang pamilya niya ng isang travel agency. I need a break.. again!

"Lia?"

"Yes, how may I help you?"

"Book a flight for me.. please. I need a break."

"Again?! Utang na loob naman Juls. Pumirmi ka nga!"

"Please. Last na 'to. Kahit two to three weeks lang."

"Okay. Saan ba?" Oh my God, I love her so much!

"Saan ba maganda?"

At dahil nga hindi ko alam kung saan ako pupunta, napagdesisyunan niya na itapon ako sa Cagayan de Oro. Pwede na rin. Basta malayo dito!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon