Chapter 2: Unwind

291 4 0
                                    

"Thank you so much, Li! I love you!" Yinakap ko siya ng mahigpit.

"Last na 'yan, ha? Tatakbuhan mo nalang ba forever ang mga problema mo?" Aniya. Here we go again.

"Li, alam mo naman. Ayokong kasama si Papa sa bahay." Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa makasama siya, ano?

"At the end of the day, he's your father, Juls. Hindi mo na mababago 'yon." I know. At 'yon na nga ang problema ko, e. Tatay ko siya.

"Okay okay. I have to go, Li." Siya lang ang naghatid sa akin sa airport. Sinabi ko rin sa kanya na kapag nagtanong si Mama o kahit na sino kung nasaan ako, sabihin niya na hindi niya alam.

"Okay, take care of yourself. See you in three weeks!" I kissed her cheek. "Alright. Thanks a lot!" Nagpaalam na ako at pumasok na ng loob.

Pagbalik ko, sana magbago na ang lahat. Ayoko na ng ganito.

***

10:00 am nang makarating ako dito sa Cagayan de Oro. Ang lamig ng simoy ng hangin, kaya binalewala ko lang ang init ng araw.

Nakita ko kaagad ang babaeng may hawak ng papel na may nakasulat na pangalan ko kaya lumapit ako sa kanya.

"Kayo po si Miss Julia Escuadro?" Tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "Mercy po pala. Dito po tayo." Aniya. Sumakay kami sa puting van. Siguro ay dadalhin ako sa resort na tutuluyan ko.

"Marami bang turista ngayon dito?" Tanong ko sa kanya habang palinga-linga sa paligid.

"Hindi po masyado, Miss Julia. Lalo na ngayong panahon, malamig po dahil magpapasko. Tuwing summer lang po talaga dinadayo ang CDO." Aniya. Mabuti naman kung ganoon, magiging payapa rin ang bakasyon ko.

Nakarating kami sa isang resort malapit sa paanan ng bundok. Ang ganda! Sobrang peaceful ng lugar, kumpara sa syudad.

"Kung may problema po, tawagan ninyo lang ako." Iniwan niya na ako. Malaki ang kwarto ko, may veranda pa na tanaw ang buong resort. Parang apat na tao ang kasya sa kama. Ang ganda ng ambiance, parang ayoko ng umuwi.

Nagpahinga muna ako ng isang oras bago maglakad lakad. Nagsuot ako ng two piece at pinatungan iyon ng white tshirt at shorts. Una kong pupuntahan yung sinasabi nilang falls sa taas ng bundok.

"Mag-iingat po kayo doon, Ma'am. Wala pong pumupunta ngayon sa talon dahil malamig ang panahon. Basta 'wag po kayong mag-iiba ng daan, sundan niyo lang ang hagdan." Bilin ng tagapag-bantay.

Lumakad na ako paakyat ng bundok, hindi naman ako magtatagal doon, gusto ko lang talagang makita iyon.

Siguro mga 45 minutes na ang nakalipas at naririnig ko na ang pagbagsak ng tubig. Tunog palang parang ang ganda ganda na.

At hindi nga ako nagkamali.

"Wow!" Sobrang namangha ako sa ganda ng talon. May ganito palang tinatago ang CDO? Ang alam ko lang na talon dito sa Pilipinas ay ang Maria Cristina at Pagsanjan Falls.

Hindi na ako nagdalawang isip na hubarin yung tshirt at shorts ko. Huminga ako ng malalim at tumalon.

"Whoooooooo! This is life!" Sigaw ko pagtaas ko.

Lumangoy ako papuntang balsa na naroon. Humawak ako sa lubid para makarating ako sa falls.

"Whoooo! I hate you, Papa! I really hate you! Sana mawala ka na sa buhay ko!" Halos hindi ko na marinig ang sigaw ko sa lakas ng tubig na bumabagsak.

Nagfloating ako sa gitna, nakakarelax ang lamig ng tubig. At sobrang payapa dahil mag-isa lang ako.

Pumikit ako at kinalimutan muna kahit saglit ang dahilan kung bakit ako nandito.

*click*

*click*

*click*

Dumilat ako at tumayo nang dahil sa narinig ko. Nakita ko ang isang lalaki na may hawak ng camera at parang may kinukuhanan.

"Hoy! Kinukuhanan mo ba 'ko, ha?" Tanong ko dito.

Oh my.. Adan? Ikaw ba 'yan? Diyos ko, bakit may ganito kagwapong nilalang?

He's wearing a gray sando and beach shorts. Nakasukbit sa kanya yung camera niya at backpack niya. Yung muscles niya at abs.. hala ang gwapo!

"Done checking me out?" He smirked. "By the way, yung falls ang kinukuhanan ko, hindi ikaw. I only capture things that look beautiful." Aniya at lumakad habang kinukuhanan ang paligid.

What? Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. So hindi ako maganda, ganon ba? Aba siraulo yung lalaking 'yon ah? Gwapo nga, ang ugali naman.. ay nako!

Sa sobrang bwisit ko ay lumangoy na ako papunta sa may bato kung saan naroon ang damit at tsinelas ko.

"Bwisit! Ang tahimik ko kanina dito! Makaalis na nga!" Sabi ko habang nagbibihis ako.

Bago ako makaalis ay tinawag niya ako, "See you around." Inirapan ko nga! See you around niya mukha niya. Nakakabwisit! Akala mo kung sinong gwapo. Sabagay, gwapo naman talaga siya. Ay nako, Julia! Hindi! Tumigil ka nga.

"Ma'am ang bilis niyo naman po?" Tanong ng bantay.

"May asungot na dumating, e." Sagot ko.

"Si Sir Charles po ba?" Aniya. So Charles pala ang pangalan niya? "Sino ba 'yon, manong?" Tanong ko.

"Pamangkin po iyon ng may-ari ng resort. Kahapon lang din po siya dumating, galing ng Baguio." Ah, so hindi pala siya taga rito.

"Oh sige, manong. Babalik nalang ako sa ibang araw." Paalam ko. Ayoko pang pumasok ng room ko kaya dumiretso ako dito sa may pool malapit sa tinutuluyan ko.

Hinubad kong muli ang tshirt at shorts ko 'tsaka tumalon.

Narerelax talaga ako kapag nasa tubig ako, baka nga may lahi akong sirena, e. Biro lang!

"Hindi ka pa ba nasiyahan sa talon at dito ka naman ngayon?" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko na naman ang lalaki na nakaupo habang nakababad ang paa sa tubig.

"Ikaw na naman?" Napahilamos ako sa mukha ko. Stalker ba 'tong lalaking 'to?

"Sabi ko nga sayo, see you around." He winked. Napirap nalang ako at lumangoy papunta sa kabilang side ng pool.

"Hindi ka ba giniginaw sa ginagawa mo? Tapos ganyan pa ang suot mo?" Aniya.

"Pakialam mo ba? Alangan namang magsuot ako ng pajama habang lumalangoy." Mataray kong sagot sa kanya. Natawa naman siya.

"I'm Charles, by the way." Pakilala niya. "Julia." Matipid kong sagot saka ako umahon.

"What are you doing here? Are you with your family?" Tanong niya ulit.

"Wala akong kasama. And I'm here to unwind. I just want to be free." Lumakad siya palapit sa akin at umupo sa katabing upuan.

"Broken?" Tanong niya. "No I'm not. Tapos na 'ko dyan. Gusto ko lang lumayo muna sa lahat." Tugon ko.

"So immature." Bulong niya, pero rinig na rinig ko naman. "Look, I'm here because I want to be free from everything. Kaya pwede ba, umalis ka na o kung ayaw mo, ako na lang aalis." Sabi ko.

"Okay, I'll leave you alone. Sa ibang araw nalang ulit tayo magkwentuhan. It was nice meeting you, Julia." Aniya at umalis na.

This guy is unbelievable. Bakit sobrang kalmado niya? Sinusungitan ko siya pero parang wala lang sa kanya. Wala bang problema 'yon? O baka malapit na kaya gano'n kabait.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon