Chapter 5: The Past

284 1 0
                                    

Tahimik lang kaming naglalakad sa garden ng resort nang bigla siyang nagsalita.

"So ano na? Wala kang balak magkwento?" Aniya.

"Ano pa bang gusto mong malaman? Ikaw naman magkwento, daya mo!" Hinampas ko siya ng mahina sa balikat.

He sighed, "Fine."

Naupo kami sa bench para mas masarap ang kwentuhan at nagsimula na siya.

"Annie is my childhood sweetheart. Bata palang kami, palagi na kaming tinutukso ng mga kalaro namin and pati parents namin and then we became close. Hanggang sa nag-high school kami, I courted her. We became lovers hanggang college gano'n kami. Last year lang kami naghiwalay tulad ng sayo." Nagpakawala ulit siya ng isang malalim na buntong hiniga after niyang ikwento iyon.

"Why?" I asked. "Just like what happened to your friend and your ex boyfriend. Nabuntis siya ng best friend ko. Matagal na pala silang may relasyon. Niloko nila 'kong dalawa!" Kitang kita ko sa mga mata niya na gusto niyang umiyak pero pinipilit pa rin niyang huwag tumulo 'yon.

"Ganon siguro talaga, ano? Kung sino pa yung pinagkakatiwalaan natin, sila pa yung manloloko sa atin." Sabi ko. Ramdam na ramdam ko siya ngayon. Parehas pala kami ng pinagdadaanan maski sa pamilya.

"Yeah right. We just have to accept that and move on." Aniya. Tanging ngiti lang ang naibalik ko sa kanya.

"Ganito nalang, isipin mo ako si Annie. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin para naman mawala 'yang sakit sa dibdib mo." Kung may kanta man akong iaalay sa kanya.. Iyon ay ang The Man Who Can't Be Move ng The Script.

Tumingin lang siya sa akin.

"What? Dali na! 'Wag kang KJ, Charles. Close your eyes." And he did.

"Why, Annie? Tell me why? Bakit mo nagawa sa akin 'to? Bakit yung best friend ko pa? Tangina! Ginawa ko naman lahat. Binigay ko lahat! Bakit pinatagal mo pa? Bakit kung kailan mahal na mahal na mahal na kita, 'tsaka mo pa ginawa 'to? Ipaintindi mo naman oh!"

He's now crying... He really loves Annie, I can see it.

"Hindi bale, I'll try my best... para lang maging masaya ka. Maging masaya kayo ng best friend ko, kasama ang magiging anak ninyo." Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong maiyak.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa bago siya dumilat at pinahid ang mga luha niya gamit ang likod ng kanyang palad.

"Sana nakatulong ako." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.

I sighed. "Your turn." Aniya.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"C'mon, Julia. Ikaw naman."

Hindi na rin ako nagpaliguy-ligoy pa at sinunod ko nalang siya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

"Tangina mo, Roy!" Tatlong salita pa lamang ang nasasabi ko ay bumuhos na agad ang luha ko.

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa akin. "Proceed, Julia."

"Gago ka, e, ano?! Best friend ko pa talaga, manong lumayo ka man lang! Dahil ba mas maganda sa akin? Maputi lang siya gago pero hindi siya maganda! Wala pa sa kalingkingan ko 'yon e!" Pinahid ko ang luha ko at pinagpatuloy muli ang gusto kong sabihin kay Roy.

"Maging masaya sana kayong dalawa ni Jane! 'Wag na 'wag niyo akong kukunin na ninang ng magiging anak niyo ha?!" Dumilat na ako at nakita ko si Charles na nakangisi.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon