Chapter 6: WTF

348 7 1
                                    

"What took you so long?" Tanong niya nang makarating ako sa resto.

"Wala. Tara kain nalang tayo gutom na gutom na 'ko." Utas ko.

"It's already 12 in the afternoon, hindi ka pa kumakain ng breakfast malamang kaya gutom na gutom ka." Hindi ko na siya pinansin, basta ako, tinuloy tuloy ko lang ang pagkain ko. Daig ko pa ang hindi kumain ng isang linggo sa bilis ng pagsubo ko. Pasensya na, talagang gutom lang.

"Are you in a rush?" Tiningnan ko lang siya at tinuloy ang pagkain. Kapag ganitong gutom ako 'wag niyo akong kakausapin.

"Fine! Kung ayaw mong magsalita, 'wag mo! Para akong hangin dito!" Napatigil ako sa pagkain ko, kinuha ko yung isang baso ng tubig sa gilid ng plato ko at ininom iyon.

"Ang dami mo kasing sinasabi, tinatamad akong magsalita at gutom ako. Kaya pwede kumain nalang tayo mamaya na tayo magdaldalan." Natahimik siya at sumunod nalang sa sinabi ko.

Pamaya maya lang ay natapos na kaming pareho kaya nagyaya na siyang tumayo.

"So where are we going now?" Tanong ko. "I don't know, saan mo ba gusto?" Tanong niya pabalik.

"Aba malay ko sayo. Wala akong alam sa lugar na 'to, mister!" Nakakasawa na dito sa resort, gusto ko naman sana yung ibang lugar dito sa CDO.

"Kailan ka ba kasi babalik sa inyo, ha? Don't tell me you'll--"

"Hindi pa ako ready bumalik sa amin, eh. Pero baka isang linggo nalang ako dito or baka mas mapaaga pa." Sabi ko.

"What do you mean na baka mas mapaaga pa?" I sighed. "My mom called me a while ago bago ako lumabas sa room ko and she told me na umuwi na ako bago pa niya ako sunduin dito." Bigla na naman nasira ang mood ko dahil doon. Ayaw ko pa talagang umuwi, eh.

"Sus! Para ka namang bata. Susunduin ka pa?" Natawa siya kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.. "Umuwi ka na kasi, Julia. Wala namang maitutulong 'tong ginagawa mo." Aniya.

"Wow! Pakialamero ka na ngayon ha?" Tumawa ako pero siya ay nanatiling seryoso.

"Seriously Julia.. Your Mom needs you now." Natahimik ako.

"Fine. Pero susulitin ko na muna, sa makalawa na ako uuwi." Sa halip na three weeks ang bakasyon ko, naging one week lang.

"Stop being so immature, Julia. Hindi ka na bata." What's with him? Bakit ba ang sungit nito?

"Are you sick? Ang sungit mo!" Humalukipkip ako at humarap sa kanya. "Problema mo?" Tanong ko.

"She called me last night." Napatayo ako ng diretso sa narinig ko.

"Oh? Tapos?" Umupo siya sa may buhanginan kaya naupo na rin ako sa tabi niya.

"Nangamusta lang.." Aniya, "Dapat masaya ka kasi kinamusta ka niya, pero bakit malungkot ka?" I asked.

"Wala lang. Anyway, I'm going back to Baguio tomorrow morning. Kaya pwede mag enjoy nalang tayo ngayong araw?" Nagulat ako sa sinabi niya. Kung babalik na rin naman pala siya, bakit hindi pa ako sumabay?

"Sabay na tayo." Sabi ko. Nung una ay ayaw pa niya dahil maingay daw akong kasama, kung anu-anong alibi ang ginawa niya pero sa huli, ako pa rin ang nanalo. Wala naman kasi akong kasabay sa makalawa pabalik, wala naman ding masama kung sasabay ako.

"Tara sa falls. Kung saan tayo unang nagka-encounter." Natatawa niyang sabi at hinila ako patayo.

"Bring your camera, ha? Magpictorial muna tayo. Gusto ko na magpalit ng DP, eh." Humalakhak kaming dalawa. "Then change your clothes first kung gusto mo pala mag pictorial." Aniya at saka ko napagtanto na nasa harap na pala kami ng room ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon