Mas May Tanga pa Ba Dito?

14 2 0
                                    


Ann's POV

"Asan na kaya si Insan?" Tanong ko sa kawalan, sabay sandal dito sa kotse niya.

Tiningnan ko ang relo ko atalas tres pa pala, siguro may klase pa yun.

Maaga natapos ang klase namin, first day pa kasi, kaya puro pakilala lang at wala munang formal discussion.

Maglalakad nalang kaya ako?

Sige na nga,, nagmamadali ako eh,tagal naman kasi ni Insan. Sanay naman kasi akong maglakad dahil sa dati kung paaralan 5 kilometro  ang layo ng nilalakad ko para lang makapasok, sa bundok kasi kami nakatira.  Ang sipag ko diba ^_^ gayahin niyo ako ha. hehe. 

At tsaka tatlong kilometro lang ang layo ng paaralan ko ngayon mula sa bahay nila Insan kaya walang problema sa akin.

Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ,ay naramdaman kong parang may nakasunod sa akin.

Wala lang parang na feel ko lang ang presensya niya. Hehe joke di ako ninja no!

Meron lang kasing

"Arrf,arrf" tahol mula sa likuran ko kaya lumingon ako

"Wow" nagningning ang mga mata ko ng paglingon ko isang cute na ako, I mean aso. hehe

Agad naman akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya. Ang cute, puting-puti ang balahibo niya,  isa siyang shitszu.

"Hi! Baby sinusundan mo  ba ako?" tanong ko sa aso.

Mas itinuturing ko silang baby kesa sa tunay na bata. Hehe love ko lang talaga ang mga hayop. Masaya akong makipaglaro sa kanila kesa sa mga tulad ko. Wala kasing nakikipaglaro sa akin kasi daw matanda na ako.  ehh, bakit ba, wala namang pinipiling edad ang paglalaro ng piko, at tsaka chinese garter diba, wala naman sa batas 'yon.

Gusto ko sana maging isang Vet. dahil mahilig ako sa hayop. Kaso ang gusto ng parents ko ay ang maging guro ako. At dahil masunurin ako sinunod ko sila. 

"Arrf,arrf" waaah! Sumagot siya.hehe

"Asan na ang papa mo?" Tanong  ko ulit sa aso ,

"Hey, mickey kanina pa kita hinahanap" tawag nung isang lalaki na parang hiningal pa.

Napaangat ang tingin ko. Sinong Mickey??

Lumingon naman ako sa paligid ko, wala namang ibang tao eh ,,, mga sasakyan lang na dumadaan.

Pagtingin ko sa kanya sa akin siya nakatingin, at bigla naman siyang namula. hehe ang cute niya pero mas cute yung aso.

Pero teka,  di naman Mickey pangalan ko ah. At saka pang lalaki kaya 'yon.

"Arrf, arrf" yung cute sa harapan ko.

"Gutom kana?" tanong ko sa aso.

"Mickey halika na" pagtingin ko uli dun sa lalaki sa may trashcan na siya nakatingin malapit sa may tindahan.

'Sino kaya tinawag nun, bakit duon siya nakatingin? Wala namang tao dun ah '

Pero teka Mickey?

"Wait lang ah, puntahan ko lang yung basurahan" paalam ko sa cute, kawawa naman kasi yung lalaki kanina pa niya tinatawag si Mickey.

Lumapit ako sa basurahan at

"Mickey andyan kaba? Kanina ka pa tinawag ng papa mo" yan ang tawag ko sa amo nila, ang cute diba?

"Miss? Ano ginagawa mo"? Ehh? Pati ba naman to slow? Diba niya nakita ang ginawa ko? Haysst. Kanina pato sa skul, sadya ba talagang mga slow ang tao dito sa siyudad?

When Stupidity StrikesWhere stories live. Discover now