III - Even

16.5K 575 29
                                    

2008

Daniel

Kasa kasama ko na ngayon mga barkada ng bestfriend kong si Robi. Kakatapos lang namin mag billiards and they seem friendly. Maloko din parang mga barkada ko din sa Pampanga, parang ako lang. Tingin ko magkakasundo sundo kame.

"Bro, may girlfriend ka na?" biglang natanong ni Joshua. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakamadaldal.

Si Khalil yung tipong tahimik pero nakikisabay din sa kalokohan.

And Robi is like a replica of me. Lahat yata ng trip ko, trip din niya.

In short, nagkasundo sundo kameng apat.

Nasa sasakyan na kame papunta sa mall kung saan nag yaya na mag late lunch while we are waiting for the others.

"Bakit type mo ba si Dj?" biro ni Khalil.

"Gago. Hindi. Natanong ko lang kasi mamaya mame-meet niya mga girls baka may matyp-an siya bigla. Uunahan nakita ha? Trina is mine." pambabakod ni Joshua.

Tinginan kameng tatlo at natatawa.

"Maka mine ka diyan eh hindi ka nga sinasagot." pambabasag sa kanya ni Robi.

"Hindi pa daw siya ready sa relationship at sagabal daw sa pag aaral at pag vavarsity niya ang commitment commitment na yan..." depensa ni Joshua. "Ibig sabihin lang nun..."

"...basted ka!" sabay pa kameng tatlo nambasag sa kanya. Ang lakas ng tawa namin. Ang gulo gulo namin sa loob ng sasakyan. Sasakyan ni Daddy ang dala namin, may driver pa because we are still aren't allowed to drive.

But I can drive a car already, kapag sa loob lang ng village Daddy allows me para na rin daw masanay. When the right age comes, he promised to give me my own.

"Ewan ko sa inyo! Tara na nga, baba na tayo at makahanap ng makakain. Tomguts na ako." sabi ni Joshua sa amin.

"Oo nga tara na, baka gutom lang talaga yan bro." sabi ko ng may pang aasar.

Tawa pa rin kame ng tawa habang naglalakad papasok sa mall. Si Joshua talaga ang pinaka maingay sa amin. Kaya hindi maubusan ng pagtatawanan kapag nandiyan siya.

Umakyat kame sa second floor ng isang malaking mall kung saan maraming mga restaurant ang bukas.

Everyone agreed on ramen so pumasok na kame sa isang restaurant that serves the best ramen. Mag aalas dos na rin kaya medyo kaunti na lang ang tao. Hindi na kame nag antay ng matagal para sa order namin.

"Bukod kay Trina, sino pa ang off limits sa mga kabarkada niyong babae?" tanong ko sa kanila habang kumakain.

"Si Chandria. Kanya yun." turo agad ni Joshua kay Robi.

"Gago. Hindi." iling ni Robi sa akin. "She's my girl bestfriend. Parang ikaw na babaeng version."

"Ahhhh...maganda?" I asked pero sinimangutan lang ako ni Robi.

"Nako maniwala ka diyan. In love siya dun." gatong uli ni Joshua.

"Kulit nito. Hindi nga eh!" tinapunan siya ng tissue sa mukha.

"Oo nga naman. Kung gusto ni Robi Si Chandy eh di sana niligawan na niya. Huwag ka ngang malisyoso Joswa." nagsalita si Khalil.

"Sagwa ng Joswa bro. Josh na lang pwede?" sinamaan niya ng tingin si Khalil na inasar siya sa pangalan niya.

Tawang tawa lang ako sa kanila. Masarap sila kasama, ngayon pa lang nakakapag adjust na ako ng mabuti sa kanila. It's a good thing to have this rapport with them, pagbukas kasi ng klase sa June sa school na nila ako papasok. At least I won't have a hard time sa bagong surroundings.

The One That Got Away (On Going on my Dreame Account) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon