VII - Trust

14K 423 38
                                    

Daniel

"Yes Dj, bro! Buti na lang dumating ka na. Kanina ka pa hinahanap ng mga girls." pambungad sa akin ni Joshua ng pinagbuksan ako ng pintuan.

We are in Punta Fuego to celebrate Robi's 15th birthday. Private party siya bukod sa parents at relatives ni Robi, the same people lang ang invited. Mostly yung mga pinakilala niya sa akin few weeks ago.

"Sorry medyo na late. Inantay ko pa kasi si Kuya." sabi ko sa kanya. Pumasok na kame sa loob kung saan nagkakasayahan ang iba.

The adults were sitting in a round table at may nilalarong card game while drinking. I saw Tita Marianne, Robi's mom sa kitchen nagpprepare yata for barbecue.

"Good afternoon po Tita." lumapit ako at bumeso.

"Hi Dj, kararating mo lang? Kuya mo?"

"Nag papark lang po. Sorry daw po di makapunta sila Mama. Busy po sa hotel eh."

"It's alright. I know. Summer ngayon. Madaming guests." she tells me. "Kumain ka na ba? Kakatapos lang mag lunch nila Robi."

"I'm still full Tita. I ate on the way. Thank you po. Puntahan ko lang sina Robi--" naglalakad na ako palabas ng may mabangga ako. Nag sorry ako agad bago ko pa makita kung sino.

"Sorry." sabi ko sa nabangga. Nakawak ako sa braso niya para hindi siya ma out of balance. She smiled upon seeing me.

"Hi Dj! I thought di ka na hahabol." Chandria beamed. It looked like she just got out from the pool. Mukhang kanina pa sila nagswiswimming dahil halos lahat ay nakapang ligo na rin. May suot pang goggles si Chandria na nakasabit sa may leeg.

She was wearing a pink one piece suit. It wasn't very conservative but it wasn't too revealing either. Nginitian ko siya pagkatapos namin magbatian at bumeso.

"Pasensya na. Inantay ko pa kasi si Kuya Julius. Di pa kasi pwede mag drive eh." dahilan ko.

"Ahhh..." sabay tingin sa likod ko kung nasaan ang kapatid ko na nakasunod sa akin. Binati niya rin ito. "Sige, kukuha lang ako ng drinks sa loob. Punta ka na don, andon silang lahat." she told me nicely before she left me and my brother.

"Dinahilan mo pa ako eh ikaw tong ang tagal tagal bumaba. Paano kasi may nakilalang chick sa internet." nagsalita si Kuya sa likod ko.

"Di ah. Tinapos ko lang kasi yung game. Sayang naman kasi. Mananalo na ang team ko." pag dedeny ko.

Though he was also telling the truth. I met someone. Nakalaro ko na siya noon at natyempuhan ko uli two nights after. We exchanged conversations through the game until I asked her if we could talk more privately.

Ang cool kasi niyang kausap. Nalaman ko pang taga Pilipinas din siya mas nagkaroon ako ng interes na kausapin siya lagi. Before we would log out, tinatanong ko muna sa kanya kung kailan siya mag oonline uli para masabayan ko siya.

For the one month that passed siya ang pinagkaabalahan ko. Halos di na ako lumalabas. I'd rather stayed in my room and play Counter Strike and if boredom really hits me pinatulan ko na pati Farmville. Just so I could catch her online.

Weekends naman nasa school ako for the basketball tryouts. Luckily I got in and I'm more than excited to train when school year starts. Mukhang magiging busy ang school life ko.

The One That Got Away (On Going on my Dreame Account) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon