"Is it bad that I want to escape in this terrible reality who gradually eating up my sanity?"
PILIT NA isinisiksik ni Marni sa loob ng aparador ang sarili. Halos naliligo na siya sa sariling pawis sa sobrang init at sikip ngunit hindi niya iyon alintana. Gusto man niyang lumabas ay wala siyang lakas ng loob. Hindi niya kayang harapin ang kanyang amahin lalo na't wala ito sa tamang pag-iisip ngayon.Halos mapatalon siya sa gulat at takot nang marinig ang isang malakas na pagkalampag sa tagpi tagpi nilang pintuan. Mas lalo niyang isiniksik sa loob ang sarili. Mariin siyang napapikit. Halos maubusan na ng tubig sa katawan si Marni kakaiyak ngunit hindi iyon ang nasa isip niya.
Hinding hindi ako makakapagyag na gamitin niya ang katawan ko para lang sa bisyo n'ya.
She bit her lower lip. Heto na nga ang araw na kinatatakutan niya. Wala siyang perang maibigay ngayon kay Arnold, ang kaniyang amahin dahil sa sakit niya. Mag-aapat na araw na siyang trinatrangkaso at lahat ng perang naipon niya ay naibili niya na ng mga gamot. Malaking porsyento 'nun ay napunta sa kaniyang Inang, samantalang ang natitira naman ay sa kaniya.
Pumasok siya kanina sa Impresso Expresso Café kaya lang kaagad siyang pinauwi ng manager nila nang mapansin ang pangangatal niya.
Naalala niya ang nangyari nang gabing umuwi siya dala ang tukador ni 'Nay Ina.
Pagkauwi ay wala siyang magawa nang hinablot ni Arnold ang kaniyang dalang bagpack na halos tanggal na ang hawakan kundi lang nilagyan ng pardible sa magkabilaang gilid. Halos magdadalawang taon niya na rin kasi itong ginagamit.
Hinalungkat nito ang bag niya. Hindi pa ito nakuntento kaya tinaob nito ang bag at sinipa ang mga nagbagsakang mga gamit niya sa semento.
"Tangina, nasa'n ang pera?!" bulyaw nito sa kaniya.
"Wala nga akong pera!"
Kanina pa niya itong sinabihan na wala pa siyang natatangap na suweldo pero matigas ang paniniwala nito na may pera siya.
Paulit ulit lang silang nagtatalo. Pagod na si Marni. Hapong hapo na ang katawan niyang walang ibang gustong gawin ngayon kundi ang magpahinga.
"Puta, 'wag kang magsinungaling sa 'kin! Alam kong may pera ka!"
"Paulit-ulit, wala nga!" pabalang niyang sagot. Isang malakas na sampal ang inabot niya rito.
Halos matumba nga siya sa sementado't maduming sahig sa tapat ng barong barong nilang bahay kung saan naabutan niyang nakikipag-inuman ang kaniyang amahin bago siya nito nilapitan.
Pinigil niyang umiyak.
Iyon na lang ang nakikita niyang magsasalba sa kaniya sa mga oras na 'yon, ang hindi pagpapakita ng luha sa harap ng mala-demonyo niyang katapat.
Nanghihina man siya, buo ang loob niyang hindi magpakita ng kahit maliit na butil ng luha sa harap nito.
"Tangina. Wala daw pera pero may bitbit na malaking aparador, bwisit. Siguro doon mo tinago ang pera, no?" gigil na tanong nito sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa buhok niya. Pakiwari ni Marni pati anit niya'y tinatanggal na ni Arnold.
"Huwag..." nanghihinang pakiusap niya.
Tumawa lang ito at marahas siyang tinulak pabagsak. Nabagok ang ulo niya sa sementadong sahig. Unti unting nanlabo ang mga mata niya kasabay ng pagbigat ng mga talukap niya.
Ang kaninang luha na pinipigilan niyang umalpas ay tinatraydor na siya.
Isa.
Dalawa.
BINABASA MO ANG
Secret of Ina's Closet
FantasyMarni receives a closet from an old lady named 'Nay Ina she helped. At one look, it is just an ordinary closet not until one day, it suddenly turns out to be a passage and brought her to the other world. A world that is twisted; where truth is a lie...