“First, butterfly wing's glow. Second, cat can talk. Third, dwarf exists. This weird place never fails to surprised me.”
SAGLIT NA napahinto sa paglakad si Marni kaya maging ang kanyang kasama ay huminto rin.Nakapameywang siyang humarap kay Barni na hanggang ngayon ay may nakapaskil pa ring ngiti sa kanyang labi.
“What?!” iritadong tanong ng dalaga.
Kanina pa niya napapansin ang pagsulyap sa kaniya ng nagsasalitang pusa mula nang umalis sila sa kakahuyan kanina na para bang may gusto itong sabihin kaya minabuti niyang tanungin na ito.
Ngiti lang ang nakuha niyang sagot dito na ikinasimangot naman niya.
Pinasadahan niya ng tingin ang isang malaking tipak ng bato na nasa gilid niya. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, nagtataka kung paano nagkaroon ng malaking bato rito sa lugar kung saan halos lahat ng bagay ay mas maliliit kaysa sa kaniya.
“Sabihin mo lang kung may problema ka sa’kin, hindi ‘yong ngingiti ka diyan parang timang.”
Hinintay niyang sumagot ang kausap ngunit tulad kanina, ngiti lang ang nakuha niyang sagot dito.
“Smiley emoji. Argh! Sino ba kasing nag-imbento ng mga emoticons na 'yan?”
Ang kaniyang itim na hanggang balikat na buhok na animo’y di pa nasuklayan sa buong araw ay mas lalo lang gumulo nang pagbuntungan niya ito ng galit.
“Bahala ka na nga diyan!”
Padabog siyang naglakad papalayo. Hindi pa man nakakalayo ay agad ding huminto at inis na luminggon.
“Ang bagal mo naman, Barni. Dalian mo ngang maglakad!”“Kung alam ko lang papunta do’n naku… Iiwan talaga kita rito,” pagbubulong ni Marni na bakas ang inis sa tono ng pananalita.
Mayamaya pa’y may kumalabit sa kaniya. “Ay pusang gala! Bakit ang bilis mo naman?” Gulat na tanong ni Marni. Parang kanina lang sampung hakbang pa ang layo niya mula kay Barni tapos sa isang iglap lang ang nasa tapat na niya ito.
“Narinig mo ba?”
“Ang alin?” inosenteng tanong ni Barni sa kaniya.
Maluha-luha naman niya itong tinitigan, hindi makapaniwala na nagsalita na ito matapos ang ilang beses niyang pagtatanong. Kulang na lang magpa-party siya at ipagsigawan sa mundo na sa wakas, ‘di na lang smiley emoji ang nakuha niya kay Barni.
“Wala. Wala. Di naman mahalaga ‘yon,” mabilis siyang umiling-iling at pilit na ngumiti rito.
Muli niyang ihinakbang ang paa at nagpatuloy sa paglalakad sa gitna ng kakahuyan. Bagamat nasa gitna ng kakahuyan at may lilim, pawis na pawis na si Marni dahil iilan lang ang punong kanilang dinaanan na kasinglaki o mas malaki sa kaniya ng konti. Hindi sapat para protektahan siya sa nakakapasong init ng araw.
“Di ba mahalaga ‘yong plano mong pag-iwan sa’kin dito?” Natuyo ang lalamunan ni Marni at pakiramdam niya’y binuhusan siya ng malamig na tubig. “Sa bagay, ganyan naman talaga kayong mga tao, magaling lang kapag may kailangan.”
Dirediretsong naglakad si Barni, ‘di alintana ang biglaang paghinto ng kaniyang kasama.
May kung ano naman na parang tumusok sa puso ni Marni matapos marinig ang sinabi ng pusa. May parte sa kaniya na nakukonsensya dahil alam niyang mali ang kaniyang inasal kanina at may parte ring nalulungkot dahil muli na naman niyang naalala ang isang mapait na katotohanang matagal na niyang tinatakasan.
Patakbo niyang hinabol ang nagpatiunang si Barni. Nais niyang huminggi ng paumanhin dito kaya naman sa kakamadali ay kamuntikan siyang mapasubsob nang mapatid siya sa nakaangat na ugat ng puno.
BINABASA MO ANG
Secret of Ina's Closet
FantasyMarni receives a closet from an old lady named 'Nay Ina she helped. At one look, it is just an ordinary closet not until one day, it suddenly turns out to be a passage and brought her to the other world. A world that is twisted; where truth is a lie...