Meet #11

1.4K 28 1
                                    

Saktong paglabas ko ay nakita ko naman yung mga kaibigan ko.

"Galing mo Love! Idol! " Sabi nila sabay high five.


"Oo nga aba, di ko alam master ka pala dun hahaha " pabirong sabi ni john.


"Di naman. " Sabay kuha ko sa ponytail ko sa bag.

Nang itataas ko yung kamay ko.


"Aray! " napadaing ako dahil sa sakit ng sugat ko sa siko. May papremyo pa akong mauuwi pambihira.


"Bakit? " Worried na tanong ni sael na parang sinisipat pa ang parte ng braso ko.


" Yung sugat ko kasi! Badtrip kasing Reyes yan eh! Dinapa ako, nagkasugat tuloy ako! " 

"Kaya nga eh! Ano? Bugbugin na ba namin? " Tanong ni che. Woooah amazona . Nag akto pang pinapatunog daw yung mga knuckles nila.


"Baliw! Hayaan niyo na yun. Makakarma din siya " sabay palo ni erian sa siko ko. 

"Pu ----" muntik na akong mapamura sa sakit, kaya nakagat ko na lang ang labi ko para tiisin ang sakit na dulot ni Erian.


"Ay sorry! Sugat pala yun" 


"Akin na ipit mo,  ako na magtatali Ng buhok mo " nagprinsinta naman si Misael at inabot ang ponytail sa kamay.


"Wow! Ang tamis! Hahaha " hirit ni cha.


"Ano ka? Bakla? ?!" Pang-aasar ko kay sael. Mwahaha.

"Baliw! Marunong ako nito no ako kasi nag-iipit sa pinsan kong babae. Porket marunong nito bading agad???" Sabi ko nga! Sinuklay niya muna ang buhok ko at inayos.

"Ano ba yan. Ang haba naman kasi ng buhok mo. Paputulan mo na kaya? " angal niya dahil mahaba ang susuklyanin niya. Ginusto mo yan eh!


"Ayaw ko nga"


"E? Bakit naman?" sige pa din ang pagsusuklay niya.


"E magagalit si daddy at tsaka sanay na ako ng mahaba ang buhok, simula bata pa ako e. Eto na nga lang ang maganda sakin, tatanggalin mo pa? Tss ". Tska mas bagay daw sakin ang mahaba ang buhok.


"Oo nga sael mas cute si Love pag mahaba ang buhok. " - jen


"Ang ganda nga ng buhok niya e. " - mic


"Oo nga. Natural straight. Ang. Ganda! " lahat kami lumingon kay John na may gulat sa mukha. Sabi na Barbie! hahahaha


"Oh ano? Inggit ka naman John? Hahaha " - cha. Ang hilig niya talagang mang-asar. Nag glare lang si john haha , men di yan tatalab kay cha! Iirapan ka lang niyan, pinanganak na maldita yan!


"Sabagay mas maganda at cute ka sa maganda mong buhok. Ayan Tapos na " bulong sakin ni Misael na nagdulot sakin ng konting kaba? di ko sure kung kaba ba yun or what?

MS.BOYISH MEETS MR.HANDSOME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon