Meet #12

1.2K 29 3
                                    

Sael's POV

Habang nagdadrive ako, napansin kong nakatulog na si Lovelle. Siguro dala yan ng pagod niya kanina. Badtrip yung Reyes na yun, nasugatan si Lovelle dahil sa kanya. Buti di ganun kalala yung sugat niya. hay naku!  Alam niyo nasasaktan ako sa tuwing nahihirapan siya. Eto na ba yung love na sinasabi nila?

Nakakabading!

Nandito na kami sa house nila.  Ginising ko na din siya per tulog mantika. Feeling niya siguro siya si Sleeping Beauty.

"Oy! Love gising na! May mga pulis yung utang mo daw! " Agad siyang bumangon at gulat na gulat. 

Hahaha sorry trip ko lang

"ANO??!!! Wala akong utang! " Nanlalaki naman yung medyo singkit niyang mata.

"Hahaha Joke lang! Ayaw mo kasi gumising e. Eto na bahay niyo" sabay turo ko sa gate nila.

Bumaba na naman siya sa kotse , dahil mabait ako syempre inalalayan ko siya papasok ng bahay nila.

Agad kaming sinalubong ng mama niya.

"WHAT. THE!!! Bakit may sugat ka?!! Sinong gumawa niyan sayo?? Hell! Mamurderin ko yun!" Sabi ng mama niya at pinaupo kami sa sofa. Hahaha nakakatawa nanay niya. Mana kay lovelle! Tsk.


"Ay! OA naman Ma ha! Parang sugat lang ih! " Sabi niya at kinuha yung throw pillow!


"Anak ka ng tatay mo! Eh nilangaw nga ayaw kong dadapo sayo! Tapos nagkasugat ka! Patay ako sa tatay mo nito!" Oo nga. Patay kayo sa tatay mo.


"Alam mo ma! Worth it naman e! Kasi winner kami sa first game namin. And by the way okay lang yan! Di naman masakit eh-----ouch! Ano ba ma! " hindi siya magkandamayaw kung alin ang hahawakan kung iyong tuhod ba niya or siko. Pinalo lang naman siya ng throw pillow ng mamaya niya sa sugat.


"Okay lang daw ha. Kaya pala nag 'Ouch!' Baliw ka talagang bata ka! "


"Mana sayo! Hahaha " nagtawanan lang kami ng mama niya.


"Anak, ano nga ulit name mo? " Tanong sakin ng mama niya. Ay! Forget na agad ako? Sabagay second encounter palang namin.


"Misael po pala tita" sabay abot ko ng kamay sa kanya. Gusto ko sana mag mano, kaso baka ma offend siya.


"Ah! So ikaw ang suitor ni baby boy? " Ha? Baby boy?? It's kind a funny hahaha


"Baby boy???" kunot noo akong lumingon kay Lovelle, nagkibit balikat lang siya.


"Si Lovelle hehehe. Baby boy ko yan eh! So ano? Suitor ka ba niya? " Tanong ulit ni tita na parang kumikislap pa ang mga mata.


"Ma naman! Ano ka ba, di ko yan suitor! We're just friends. Nakakahiya tuloy! Tsaka di pa ako pwede mag boyfriend magagalit si Daddy " Kinurot lang siya ng mama niya 


"Oo nga po tita. Parekoy lang po kami hehehe " parang di ngiti ang lumabas sakin, parang nakangiwi na ang mukha ko.

MS.BOYISH MEETS MR.HANDSOME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon