MEET #5

1.5K 35 1
                                    

LOVELLE's POV

Maaga akong gumising, aayusin ko pa kasi yung mga dadalin ko mamaya para sa try-out ng basketball. So iyon, nang halungkat ako sa drawer ko. Naghanap ako ng jersey sa damitan ko. May nakita naman ako, blue na short ,medyo hanggang tuhod, tapos kumuha nalang ako ng black shirt. Kinuha ko na rin yung rubber shoes ko at medyas. Nilagay ko na rin yun sa bag pack ko. Wow Nice! ang bigat ng bag ko. Sa susunod mag-iiwan na ako ng mga gamit ko sa locker, para iwas hassle.

So iyon , ginawa ko na ang morning seremonyas ko, at bumaba para magbreakfast. Nandun na sina mama, ate Lore at Lui. Sabay-sabay na kami nagbreakfast.

"ate! Sabay ako ha. Dami kong dala eh" sabi ko sabay subo ng bacon.

"sige. Bakit madami kang dala?" sabi nya habang kumakain ng cereals. 

"may dala kasi akong pang basketball eh. " sabi ko. Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin at gulat na gulat. What's wrong?

"bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" 

"ikaw?! Magbabasketball?!!" sabi ng nanay ko habang nakaturo gamit ang tinidor.

"opo! Bakit bawal ba?" sabi ko at uminom na. Tapos na kasi akonng kumain eh.

"totoo ba yan?" sabi ni mama at nakangiti pa.

"oo nga po.  Ay kakulit ni Mama mana sakin. Tara na ate" sabi ko. Tumayo na din ntn si ate at lui. Nagbeso na kami kay mama. Sumakay na kami sa kotse ni ate.


In just 15 minutes, where here! Buti na lang hindi traffic. 

Nagbabye na ako sa dalawa kong kapatid. Pumasok na ako nun. Saktong nakita ko si Misael na naglalakad din sa hallway.


SAEL's POV

Maaga akong pumasok nun. Bakit? Wala lang trip ko lang. Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Lovelle na dala ang bag pack na punong-puno. Wow! Parang naglayas lang ah! 

"oy" sabi ko sa kanya ng makalapit ako.

"yow!morning ! Aga natin ah!" sabi niya ng makalapit ako at sabay ngiti

"morning din! Ang dami mo naman atang dala?" sabay turo dun sa bag pack nya na mukang mabigat.

"ah, eto ba? May try-out kasi kami mamaya sa basketball eh. Kaya nagdala ako ng gamit" sabi nya sabay ngiti. How cute! 

"ah! Akala ko naglayas ka na sa inyo hahaha" 

"baliw ka!" sabay palo sa braso ko. Pero mahina lang naman. 

"biro lang, pero seryoso, magbabasketball ka?" I smirked.

"oo naman! Masaya kaya yun!" halata sa mukha niya ang pagiging proud sa sport niya.

"baka matalo team nyo, pagsumali ka haha" pang-aasar ko sa kanya. At bigla naman siyang nagpout. She's cute whenever she did that. 

"joke lang yun. Akin na yan, tulungan na kita, baka mamaya mawalan ka ng energy mamaya at di ka pa makasali" sabi ko sabay kuha ng bag pack nya. Di na rin naman siya nakaangal. At ng buhatin ko ito, medyo mabigat nga yung bag nya. Buti nalang kinuha ko, kung di mangangalay balikat nito. It's no big deal okay? I am just being a gentleman.

Narating namin ang department nila habang nagkukwentuhan. Tama nga ako. She's talkative!


"oy, akin na yung bag pack. Thanks ha" sabi nya sabay abot ko ng bag pack nya. Ngumiti lang ako sa kanya.

MS.BOYISH MEETS MR.HANDSOME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon