eto po yung Chater One :') <3
_____________________________________
Third Person's POV
oras na ng break time ng mga estudyante
mistulang meron rally dahil sabay sabay silang nagsisugod sa canteen nila, merong mga lalaki na naguunahan pa para lang mauna sa pila dahil nagmimistulang pilahan ng relief goods itong canteen nila paglumaon, meron din mga iba na naguunahan sa upuan first come first sit kumbaga ang setting nila, malaki nga ang unibersidad ngunit sa sobrang dami nila hindi na magkasya yung iba
habang mayroon isang babaeng maghawak hawak ng dyaryo ng kanilang university, na patakbo sa westo ng mga kasamahan niya
"OH MY GHAD OH MY GHAD! NANDITO NA YUNG BAGONG BALITA TUNGKOL SA KANILA!" sigaw nito na may kasamang talon pa nagdudulot ng dahilan para tumalbog ang mga taba niya sa katawan
"TELEGE GURL? IH MY GHID LET ME SEE LET ME SEE!" sabi ng isang babaeng masyadong maarte kung magsalita, at mukhang clown na bakla ang kanyang itsura
dahil maraming dala yung babae kanina binigyan niya lahat ng mga kagrupo niya
sabay sabay nila itong binuksan at
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" isang malakas na tilian ng mga biik na kinakatay ang maririnig mo sa buong unibersidad
ganyan ang senaryo palagi pagmay bagong labas na dyaryo ang kanilang paaralan dahil nakalagay dito ang 4 na naggagandang lalaki ng kanilang unibersidad
sino ba naman ang hindi titili
kung bubungad sa iyo ang naggagandahang lalake ng Russel University
Ang tawag sa kanila ay ang TOP FOUR
ikaw na ang pinakamaswerte kung masasama ka sa listahang ito, sila din iyong tipong tatambay lang sa ilalim ng puno eh marami nang babaeng nanonood at sasabihin "May taping ba dito?" yung tipong pag nasa isang restaurant sila naguunahan pa ang mga babaeng waitress para lang makuha yung order nila
unang una sa listahan ay si Jarvis Evans pinakagwapo sa lahat, matatawag mong perperkto mula sa kanyang pangangangatawan, ngunit masyadong itong self-centered na tao wala siyang pakielam sa mga taong nasa paligid niya, wala siyang pakielam kung nasasaktan na niya ang damdamin ng taong ito, ayaw sa mga fangirls, masungit sial din ay ang pinakamayaman sial ang may ari ng lahat ng clothing line
ang sumunod naman ay si Dominick Russel nagiisang anak ng pamilya russel, sila ang may ari ng unibersidad na ito ang RUSSEL UNIVERSITY, maituturing na pinakamatalino, alam niya lahat mula sa academics haggang sa manners sa pagkain, may tanging babae lang siyang pinahahalagahan ito ay ang nanay niya at si Cheryl Parker
ang sumunod naman ay si Axel Morgan pinakamayaman ang kanilang pamilya, meron silang sariling hotels, restaurants at iba pa , maituturing na CASSANOVA ng kanilang unibersidad dahil sa daming babaeng naging girlfriend nito
last but not the least ay si Sylvester Gomez, pinakacute, minsan ngang napagkamalan itong babae nung nag cossplay sila noong last year foundation day ng kanilang paaralan, siya ang pinaka friendly sa kanilang top 4, mahilig sa mga hayop lalo na ang tuta, at happy-go-lucky din siya, sila ang may ari ng ospital
lahat ng babae nagkakandarapa sa kanila
maliban sa isa at iyon ay si
Charlotte Taylor
isang weird na babae halos lahat sa unibersidad nila hindi siya kilala, mistulang multong hindi nakikita si Charlotte, nerd siya walang kaibigan,tulad ng isang teenager puro pimples siya kaya lang sumobra, siya lang ang katangi-tanging babae na hindi naghahabol sa kanila. Engaged siya sa libro, boyfriend niya ay glasses, at baduy siya kung manamit, ayos lang sa kanya ang walang kaibigan ayaw niya ng masyadong atention, siya lang ang kaisa-isahang babaeng hindi sila kilala

BINABASA MO ANG
Living With The Four Boys
HumorWhat if isang araw nagdala ang mama mo ng lalake hindi lang isa kundi APAT!! ang matindi pa doon sila ang pinakasikat na mga estudyante ng school mo at eto ang sabi sakin "titira ka kasama ng mga lalaking ito sa ayaw o sa gusto mo" anong gagawin ko...