IMTAMB 23

3.2K 106 25
                                    

Hi! How are you all? I hope you're all doing fine😀 I would like to inform you that I will be updating twice a week. Thank you for all the support😀Enjoy reading!
PS: Typo and grammatical errors ahead.
~~

Midnight came and Ayesha is preparing for her plan.

She prays for the success of it.

She badly wants to escape this place.

She want to be back home.

Kinapa niya ang tinidor na itinago niya kanina pagkatapos niyang kumain.

Tumayo siya sa kanyang kama at nagstretch ng kanyang katawan.

Tumingin siya sa side table ng kama niya at naghalungkat doon ng pweding niyang ipusod sa kanyang buhok.

Nakahanap siya ng isang pusod kaya itinali niya agad ang kanyang buhok pataas.

Pumunta siya sa parang mini bookshelf at kinuha ang blade na kinuha niya sa banyo.

Dahan dahan niyang tinulak ang mesa patungo sa corner ng kwarto.

Tumuntong siya rito at sumandal sa dingding kung saan hindi siya makikita ng CCTV na nasa medyo ibabaw ng ulo niya.

Dahan dahan niyang inilabas ang tinidor sa loob ng kanyang damit.

Gamit ang tinidor at blade ay pinutol niya ang mga wire na nakasabit sa CCTV at tinanggal ito.

Nang matapos niya itong gawin ay dahan dahan siyang bumaba sa mesa at pinakiramdaman ang paligid.

Nang masiguro niya na walang ingay na nanggagaling sa labas ay agad niya itinungo ang pintuan.

Idinikit niya ang tenga niya sa pinto upang marinig ang nangyayari sa labas.

Narinig niyang may nag-uusap sa tapat ng pinto.

Ang mga gwardiya niya siguro.

"...ikaw na bantay niya ngayon. Bantayan mo ng mabuti at baka malagot ka kay boss. Ibigay mo lahat ng kailangan niya pwera na lang ang tumakas....naiintindihan mo ba?" tanong ng boses lalaki.

"Areglado." sagot ng isa pang boses lalaki.

Mas napangiti si Ayesha sa narinig.

Sumsang-ayon ang lahat sa plano niya.

Pinalipas niya muna ang limang minuto bago kumatok sa pinto.

Binuksan iyon ng gwardiya niya ng maliit.

"Ano po iyon?" tanong ng estranghero.

"Naiihi kasi ako. Pwede ba akong mag-cr?" Nagpapaawa na tanong ni Ayesha na mas kasama pang pagpapacute.

Nagdalawang isip pa ang lalaki bago ito tumango.

Hinawakan niya si Ayesha sa braso at naglakad na sila patungo sa banyo.

Nang makarating sila sa banyo ay binitawan niya na si Ayesha kaya agad ring pumasok sa Ayesha.

Married to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon