IMTAMB 39

309 14 7
                                    

Nakatunganga lamang si Yel na nakaupo sa kama sa harap ng bintanang nakasarado.

Ilang araw na ang nakalipas simula ng ikulong siya dito. Maayos naman ang lagay niya. Pinapakain naman siya nila at kung minsan nga ay dinadalaw pa siya nila para kamustahin. Parang hindi siya preso sa lagay niya kung tutuusin hindi lamang siya nakalock sa loob ng silid na ito.

Maganda ang trato sa kaniya ng mga Blayne at Oh. Nahihiya nga siya dahil alam niyang hindi niya naman ito deserve. Matapos ng lahat ng panglolokong nagawa niya sa kanila ay pinapakitaan pa siya ng kabutihan ng mga ito.

Ilang beses narin siyang binisita ni Ayesha at nagkausap narin sila. Napakabuting tao ni Ayesha dahil sa kabila ng lahat ay nagawa parin siyang patawarin nito.

Masaya siya dahil kahit pinagkaitan niya ng paliwanag si Ayesha ay pinatawad parin siya nito at inintindi. Kaya napaisip nalamang siya na sana ganun rin ang lalaking pinakamamahal niya sa kaniya.

Napailing nalang siya at napatawa sa kaniyang naisip. Imposibling mapapatawad pa siya ni Mark. Sobrang totoo at mahal siya ni Mark pero niloko niya lang ito. Alam niyang sobrang galit ito sa kaniya. Sa huli nilang pagkikita sa hardin noong gabing iyon, kitang kita niya ang galit sa mga mata nito.

Mahal na mahal niya si Mark, naging totoo siya rito. Lahat ng ipinakita niyang pagmamahal kay Mark ay totoo. Hindi niya maipagkakaila na iba ang una niyang naging intensyon sa pagkakakilala nila ni Mark pero minahal niya ito ng tunay.

Paisa-isa ng bumagsak ang kaniyang mga luha. Hindi na maibabalik man ang kung ano man ang mayroon sila ng kaniyang dating kasintahan.

Agad niyang pinunasan ang kaniyang mga luha ng marinig niya ang pagbukas ng pinto. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ito dahil alam naman niyang isa ito sa mga tao ng mga Oh na nagdadala ng pagkain niya palagi.

Ngunit laking gulat nalamang niya ng magsalita ito at nakilala niya agad ang boses.

"Gayel Morozov." Ani nito.

Halos nanigas naman siya sa kaniyang kinauupuan. Ang boses na inaasam asam niyang marinig ay nairinig na niya. Gusto niya mang umiyak ay pinilit niyang pigilin ito. Alam niyang magagalit lamang si Mark kapag umiyak pa siya sa harap nito.

"Face me." Utos nito sa kaniya. Hindi naman siya makagalaw at nanatiling nakatalikod rito. Natatakot siyang makita ang galit na Mark.

"Why? Are you shy to face me after all what you've done?" Nang-uuyam na tanong pa ni Mark sa kaniya.

Hindi parin siya gumagalaw sa kaniyang pagkakaupo. Ayaw niya, ayaw niyang makasalubong ang mga mata nito. Puro galit at sakit lamang ang makikita niya rito at hindi niya kaya. Mas masasaktan lamang siya.

Napaigtad siya ng pagkakaupo ng biglang may bagay na nabasag na sa tingin niya ay isang vase.

"Fvcking face me you liar!" Sigaw pa sa kaniya nito. Kinakabahan niyang hinarap si Mark at hindi nga siya nagkamali. Galit na galit habang nakakuyom ang mga kamay.

Ang basag na vase na nagkalat sa sahig ang umagaw sa atensyon niya. Ngayon lang ginawa ni Mark ito sa harap niya.

"Im so mad at you right now that I could fvcking break everything that I could set my eyes on!" Dagdag na sigaw pa sa kaniya nito. Napayuko na lamang si Yel at napapikit.

Married to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon