Chapter One

29.3K 582 81
                                    

"Sixty-seven thousand," bulong ko habang binabasa ang numero.

Kumunot ang noo ko at muling ni-refresh ang page. Ganon pa rin ang bilang. May tatlong oras nang naka-upload ang photo. Dapat nasa eighty thousand na ito ngayon. Ano kaya ang kulang? May mali ba sa picture?

"Mela! Mela, tignan mo dali!" narinig kong tawag sa akin ng housemate kong si Nikki.

Nakasilip siya sa labas ng pinto namin.

"Mela!" tawag niya nang lingunin ako. "Tignan mo dali, mukhang may bago na tayong kapitbahay! Ang daming gamit na pinapasok."

"Huh? O tapos?" nakasimangot kong tanong. Iyon lang pala.

"Oh, eh di masaya! May ookupa na sa kabilang unit. Sana gwapo tapos single!"

"Hindi ka na nagsawa sa mga gwapo."

"Ano naman ang ikakasawa ko sa kanila? Ang saya kaya nilang tignan. Parang tumitingin lang sa hardin ng mga bulaklak. Gusto ko silang pitasin isa-isa! Kidding!" biro niya habang tumatawa.

"May boyfriend ka na," paalala ko sa kanya.

"Di ko naman nakakalimutan," nakangiti niyang sabi. "Tsaka di naman para sa'kin, para sa'yo 'yon, bes. Para may new friend ka na rin."

Bumuntong hininga ako. Siya ang bestfriend ko since high school, Nikkita Angela Daza. Isa siyang freelance photographer. Pero for me, mas bagay sa kanya na humarap sa lente kaysa magtago sa likod nito. Maraming beses na kasi siyang naimbitahan na sumali sa mga beauty contest pero ayaw niya. Kung titignan siya ngayon, ang laki na ng ipinagbago niya. Noong high school kasi kami, pareho lang kaming wallflower.

"Tignan mo nga ito sandali. Dapat ba mas pinaputi ko pa yung picture?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang screen ng laptop ko.

Lumapit siya sa inuupuan kong sofa. Sinilip niya ang laptop ko na nakapatong sa center table.

"Girl, okay naman ah. Kapag pumuti ka pa dyan magmumukha ka nang bampira. Ano ba ang problema?"

"Ang baba ng likes eh."

"Huh?!" Muli niyang tinignan ang picture na ipinost ko. "Hindi naman ah!"

"Wala pang eighty thousand, kanina pa 'yan naka-upload," reklamo ko.

"Alam mo, dadami rin 'yan mamaya."

"Sana nga, malaki ang bayad ng kliyente rito e."

"Maaga pa naman, I'm sure mamayang gabi uulanin ng likes 'yan."

"Hmm." Tumango ako. Tinignan ko siya at napansin na nakaayos siya. "Aalis ka?"

"Oo, may date kami ni Chino."

"Ugh." I rolled my eyes. Hindi ko talaga gusto si Chino. Sobrang seloso, feeling ko pati ako pinagseselosan niya. Kaya kapag may photoshoot kami ni Nikki, madalas ay sumasama siya. Okay lang naman sa akin kung sumama siya basta hwag lang niya akong sungitan. Pero okay na rin siguro iyon kasi may tiga-bitbit kami ng mga gamit namin.

"Ano'ng 'ugh'?" tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Wala, enjoy sa date ninyo," pilit ang ngiti na sabi ko.

"Thanks! You too. Enjoy your date with Mr. Archibald," sagot niya habang tinataas baba ang kanyang mga kilay.

Bigla naman akong napangiti nang maalala ko. Mamaya lang ay magcha-chat na sa akin si Lucas. May sorpresa daw siya sa akin e. Ano kaya iyon?

Muli kong ni-refresh ang page ko. Tinignan ko kung ilan na ang likes sa kakaupload ko lang na picture. I have more than one hundred thousand followers. Sa loob ng isa at kalahating taon, nagawa kong makaipon nang ganito karaming followers. Masaya ako dahil puro papuri ang natatanggap ko mula sa kanila. Parami nang parami ang mga nakakakilala sa akin bilang Social Media Star. Dahil din doon kaya nagkaron ako ng malaking income. Marami ang mga offers sa akin na i-promote ang mga products nila. Noong una, natakot ako pero nagawa rin akong i-convince ni Nikki. Siya ang naging photographer ko.

Queen of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon