Chapter Four

7.1K 255 22
                                        

Seven Years earlier...

"Congrats, Santi!" bati ko sa kanya nang makita ko siya sa school kinabukasan.

Nanalo siya kahapon sa Junior Photography Contest kung saan maraming amateur photographers sa bansa ang sumali. Halos mapasigaw ako nang makita ko ang picture niya sa newspaper kaninang umaga. Kaya naman ngayong umaga, inabangan ko siya sa may gate ng school namin. Gusto ko siyang i-congratulate kaagad. Alam ko kasing dudumugin na siya ng mga fans niya mamaya.

"Thank you," malungkot siyang ngumiti.

Sabay kaming naglakad papasok ng school. Nag-taka ako dahil mukhang hindi siya masaya.

"Bakit ang lungkot mo, nanalo ka naman diba?" tanong ko.

"Yeah, third place."

"Pero first place ka naman sa online voting!"

"But I still lost."

"Cheer up, Santi! Next time, I'm sure makukuha mo rin ang first place. Magaling ka e! Tsaka puro college students na kaya yung mga nakalaban mo. Ikaw lang ang high school student! Proud kaming lahat sa'yo!"

Nakita ko siyang ngumiti at medyo namula ang pisngi. Tumingin siya sa akin at muntik ko nang makalimutan huminga.

"Alam mo talaga kung paano ako pasayahin. Thank you, Pamela."

Ako naman ang namula. Napalunok ako.

"W-wala 'yon. Ikaw pa. Alam ko naman na magaling ka talaga. Hehe!"

"SANTI!!!!!"

Napatingin kaming dalawa sa paparating na grupo ng mga babae. Nasa sampung babae siguro sila. May dala silang banner para kay Santi. Mga supporters niya. Bigla akong napalayo kay Santi nang paligiran siya ng mga ito.

"CONGRATULATIONS, SANTI!" sabay sabay na sabi nila.

"Dapat talaga ikaw ang nanalo!"

"Oo nga! We voted for you online!"

"We really thought na ikaw ang mananalo!"

"Super daya ng contest! You're the best kaya!"

Pinanood ko sila sandali, halos magkakasabay silang nagsasalita. Gusto ko sanang magpaalam kay Santi pero mukhang hindi na niya ako maririnig. Umalis na ako at nagpatuloy na pumasok sa school building namin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang katulad ni Santi ay magkakagusto sa isang katulad ko. Sikat na sikat siya sa school namin. Gwapo siya, matalino at talented. Ano kaya ang nakita niya sa akin?

Haah~ Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang makilala ko siya. At unti unti ay nagugustuhan ko na rin siya. Ang bait kasi niya sa akin at komportable ako kapag kasama ko siya. May sense of humor din siya kaya naman napapatawa niya talaga ako kapag nagjo-joke siya.

Kung minsan nakakaramdam ako ng insecurities. May mga naririnig kasi ako minsan na hindi naman daw kami bagay ni Santi. Palagi pang may mga nakatingin sa akin at bigla nalang akong pag-uusapan. Hindi naman kami ni Santi eh. Pero madalas kasi kaming nakikita na magkasama kaya siguro napagkakamalan kami.

Queen of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon