Seven Years ago...
Inabutan ko sina Sasha at Santi na nag-uusap sa may gazebo. Nang maramdaman ko ang tensyon sa paligid, hindi ko nagawang magpakita sa kanila. Nagtago ako at hinintay kung ano ang mangyayari.
"Tungkol saan ba 'to, Sasha?" tanong ni Santi kay Sasha.
"When are you planning to stop, Santi?" mukhang naiinis na tanong ni Sasha.
"Itigil ang ano?" pabalik niyang tanong.
"Stop pretending na hindi mo alam! Yung sulat kay Pamela ang tinutukoy ko!"
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," kalmadong sagot ni Santi.
"Bakit mo ba 'to ginagawa? Hanggang kailan mo balak na magpanggap?! Itigil mo na 'to, okay? Hindi na kami natutuwa sa mga nakikita at naririnig namin tungkol sa inyong dalawa! Nakakadiri!"
"Sasha, hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo," may nahimigan akong pagbabanta sa boses ni Santi nang sabihin niya iyon.
Nakita kong natigilan si Sasha dahil doon pero mabilis din niya iyong binalewala. Nagpatuloy siya.
"Oh! For heaven's sake! We both know na hindi naman talaga ikaw ang nagpadala ng sulat na 'yon sa kanya! Dahil ako mismo ang nagpasulat non kay Amanda! So bakit ka nagpapanggap na admirer niya?! I don't get it!"
Nang marinig ko iyon, pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko. Pinagpawisan ako at nakaramdam ng takot sa sinabi niya. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"Gusto mo ba si Pamela?" tanong ni Santi.
"What?! No!" malakas na sagot ni Sasha.
"Then why did you give her that letter, Sasha?" kalmadong tanong ni Santi.
"This is not about me! This is about you and her! Tell me, Santi. Naaawa ka ba sa kanya? Narinig mo ba kaming nag-uusap non at naawa ka sa kanya?! Dahil kung iyon lang—"
"Yes, I did—"
At hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos non. Nakita ko nalang ang sarili kong umiiyak sa may field. Doon ako naabutan ni Nikki at nag-aalalang tinanong sa akin kung ano ang nangyari. Pero hindi ko siya masagot. Dahil noong mga panahon na iyon, pakiramdam ko ay lubusan akong nawasak.
Iniwasan ko na si Santi mula noon. Pilit ko siyang tinatakbuhan o pinagtataguan. Hanggang sa hindi ko na rin siya nakita pang muli. Ang balita ko ay umalis siya sa school namin at pumunta sa America. Simula noon, ibinaon ko na siya sa limot.
***
Nang magising ako, naramdaman kong basa ang pisngi ko. Ahh... bakit kailangan ko pang makita ulit iyon? Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na kinalimutan ang mga alaalang ibinaon ko na sa nakaraan.
Bumangon na ako ng kama at kinuha ang cellphone ko sa mesa. Tinignan ko ang pictures na in-upload ko kahapon. Puro hashtag no makeup, no filter, just woke up and one wash wonder. Puro positive ang mga nakikita kong comments. Nang mabasa ko ang mga iyon, nag-bago ang mood ko. Ang sarap sa pakiramdam na na-lift na sa shoulders mo ang problema. Hindi na ako nagpapanggap ngayon. At pwede ko na rin gawin ang matagal nang request sa akin ng mga followers ko, make up tutorials! Dadami na naman ang mga clients ko! Ang saya!
Nakangiti akong lumabas sa kwarto ko at nakita si Nikki sa sala na may kausap sa phone.
"Sige, Cathy asahan mo kami ni Pam. Yes, yes of course hindi kami mawawala. Yeah, okay. See you!"
"Sino'ng kausap mo?" tanong ko nang matapos siya.
Nang tumingin siya sa akin, meron siyang ngiti na hindi ko nagustuhan. May binabalak na naman siya. Napalunok ako.

BINABASA MO ANG
Queen of Hearts
RomanceIsang sikat na Social Media Star si Pamela. Ilang libong likes ang kanyang natatanggap sa bawat post ng pictures niya. Marami ring kumukuha sa kanyang brands para i-promote ang kanilang produkto. She was close to perfection. Ngunit ang di alam ng na...