Chapter Three

9.2K 276 23
                                        

"Pamelaaaaa~" malakas na tawag sa akin ng bestfriend kong si Nikki. Nagtalukbong ako ng kumot at itinuloy ang pagtulog. "Nandito na ako! OMG! Bes, ang dami kong pasalubong sa'yo! Ang daming prutas na ipina-uwi sa akin ng Lola ni Chino! Bes!"

Naramdaman kong lumubog ang kama ko at hinawakan niya ako sa balikat. Niyugyog niya ako para magising. Oo, namiss ko siya noong umalis siya pero hindi ang boses niya sa ganitong oras. UGH!

"Bes, tanghali na gumising ka na dali! Ang dami kong pasalubong! Binilhan din kita ng bracelet, may nakasulat na I love Baguio! Ang cute! Tapos yung slippers na Domo-kun, diba favorite mo 'yon? Bes!" halata ang excitement sa boses niya.

Dalawang linggo din siyang nawala para dumalaw sa Lola ni Chino sa Baguio. Mukhang maganda ang pagkikita nila. Good for her.

"Bes, ano ba?! Gumising ka na!" bakas na ang iritasyon na sabi niya.

Bigla niyang hinila ang kumot ko. Ngunit hinila ko rin iyon pabalik hanggang sa nauwi sa paghihilahan namin. Di rin nagtagal ay matagumpay niyang naalis ang kumot ko. Herculean strength talaga ang meron siya!

"Ay grabe siya, nakakumot ka na, nakatalukbong ka pa ng hoodie. Balot na balot?" puna niya. Inabot niya ang remote ng aircon at may pinindot doon. "Naka-todo ba ang aircon mo?"

Inalis ko ang hood sa ulo ko at kinusot ang mga mata ko. Ano bang oras na? Inaantok pa ako. Tinignan ko si Nikki. Kumikislap ang mga mata niya sa saya. Kailan kaya kikislap ang mga mata ko katulad ng kanya?

"Welcome home," bati ko sa kanya. Naramdaman kong nagugutom na ako. "Ano'ng pagkain?"

"Oh my gosh..." bulong niya saka napatakip ng bibig. Mukhang gulat na gulat siya habang nakatingin sa akin. "Mela, ikaw ba 'yan?!" Mabagal na sinundot niya ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya. Mabilis niyang binawi iyon nang magawa niya. "OMG! Totoo ka!"

Nangunot ang noo ko. Bakit ba? Ano ba ang problema niya? May nakain kaya siyang weird na prutas sa pinuntahan niya?

"Ano ba 'yon? Para kang nakakita ng multo."

Tumayo na ako mula sa kama at lumabas ng kwarto para pumasok sa banyo. Pagkalabas ko ron, naghihintay sa'kin si Mela sa may pinto. Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ko. Mukha siyang namamangha sa nakikita niya.

"Ano ba 'yon?" naiilang kong tanong. "May mali ba sa mukha ko."

"Mela, ano'ng nangyari sa'yo?"

"Ano'ng ibig mong sabihin na ano nangyari sa'kin?"

Nilapitan niya ako at pinakatitigan nang mabuti. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh my gosh! Ang ganda mo girl!!!" masayang at malakas na sabi niya.

"Ehh?! Ano bang sinasabi mo?" Inalis ko ang hawak niya sa akin. Lumayo ako sa kanya. Nakakatakot siya. Na-engkanto ba siya? Ako? Maganda? Ha-ha-ha!

"No need to be shy, my friend! Ang ganda ganda ganda mo na! OMG! Kung alam ko lang na ganito ka kaganda edi sana matagal na kitang pinagamit ng Olay! Nagliliwanag ka, friend! Hindi mo na kailangan ng filter! Akala ko kanina aparisyon ka."

"Huh?" Nagsalubong ang dalawa kong kilay.

"Para kang sinusundan ng araw, oh! Halika, mag-selfie tayo! Rumo-rosy cheeks ka pa oh!" Kinuha niya ang cellphone niya.

Queen of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon