Chapter Two

11.8K 310 13
                                    

Seven years ago

"Ang saya siguro makatanggap ng chocolates at flowers tuwing Valentines day no?" tanong sa akin ni Nikki. Naka-upo kami sa lunch table namin at tinitignan ang mga babaeng may dalang mga bulaklak.

"Diba may natanggap ka naman?" tanong ko sa kanya. May lalaking lumapit sa kanya kanina pagkatapos ng flag ceremony at inabutan siya ng chocolate.

"Girl, pinsan ko 'yon, tsaka pinapatago lang niya sa bag ko yung chocolate niya. Pero sabi niya okay lang daw na kainin ko na kasi di raw niya type yung nagbigay," bulong niya.

"Pero at least may natanggap ka. Ako nga e, wala ni isa. Tsaka never pa akong nakatanggap ng ganyan."

"Gusto mo share tayo sa chocolate ko?"

"Thanks, pero huwag na no. Bigay 'yan sa'yo nung pinsan mong nabigyan ng chocolate ng babaeng di niya gusto. Sobrang kawawa naman yung babae kung pati ako makikihati pa. At least ikaw kadugo mo yung binigyan niya."

"Grabe siya o. Ayoko kasing kainin, baka tumaba ako. You know naman, figure kailangan bantayan."

"Alam mo magpataba ka nang kaunti, bagay sa'yo."

"Ikaw din."

"Baliw, ang taba ko na nga e."

"Di naman, chubby ka lang nang kaunti pero okay ka naman. Mag-pulbo ka lang tsaka magsuklay para mas okay. Idol mo ba si Marimar? Korean na uso ngayon, bes."

Nakita kong dumaan si Sasha sa harap namin. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Mukha silang models. Ang ganda nilang lahat. Napabuntong hininga ako. Gusto ko rin maging kagaya nila.

"Hmm. Naiinggit ka na naman sa kanila," puna sa akin ni Nikki.

"Ang ganda kasi nila. Ang puti tsaka mukhang artista."

"Pero ang sama naman ng ugali."

Naramdaman siguro ni Sasha na pinag-uusapan namin sila kaya napatingin siya sa amin. Nang maabutan niya kaming nakatingin sa kanya, bigla siyang umirap.

"Naku, mata talaga ng bruha sarap gawing fishball," inis na bulong ni Nikki sa tabi ko. "Kita mo na? Mga katulad ni Sasha hindi mo dapat iniidolo. Bukod sa laitera na, ang tamad pa gumawa ng project. Minalas talaga ako nang napuntahan na grupo. Kung pwede lang pumili e."

Pero kahit na ano'ng sabihin ni Nikki, hindi ko maalis na hilingin na sana kasing ganda ko si Sasha.

***

"Pamela!" tawag sa akin ng isang babae mula sa nakabukas na pinto ng classroom namin. "May nagpapabigay sa'yo!"

Tumayo ako at lumapit sa babae. Mas maliit siya sa akin at mukhang first year.

"Oooohhh~" reaksyon ng mga kaklase ko nang marinig iyon.

Nakita ko ang hawak ng babae. Isang chocolate bar na may kasamang light blue na sobre. Namula ang pisngi ko. Kinuha ko ang iniaabot niya sa akin.

"T-thank you," nanginginig kong sabi.

"Kay," sabi niya saka tumalikod na at umalis.

May chocolate ako... at love letter? Totoo ba ito?!

***

"Buksan mo na!" utos sa akin ni Nikki.

"Sandali lang."

Tinitigan ko pa ulit ang sobre na nakalapag sa mesa ko at ang chocolate sa tabi nito.

"Matutunaw na yang chocolate at sobre sa sobrang pagtitig mo. Ano ba? Buksan mo na dali! Basahin mo na!" naiinip niyang sabi.

Queen of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon