Bus 3624 [1]

14.8K 622 254
                                    

Bus 3624
Written by: Xenon

- - -

Bus 3624

Hindi nakaligtas sa 'kin ang mga mata ng kapwa ko pasahero dito sa bus ang pagsulyap nila sa 'kin. Alam kong nag-aalala sila, at may naiirita, pero sana man lang ay hayaan muna nila ako.

Pinahid ko ang aking luha na kanina pa nag-uunahan sa pagtulo. Alam kong mali ang desisyon ko pero ito ang nararapat para sa ikakatahimik nila.

Kasalanan ko kasi 'yun, kasalanan ko kung bakit nangyari yun kay Ate, kung sana sinagot ko ang tawag niya at sinabi kay Mama at Papa ang text niya 'edi sana buhay pa siya ngayon.

Ako kasi ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Ate Shaina, bago siya namatay ay nagbilin siya ng text na humihingi ng tulong dahil may pumapatay raw sa kanila. Akala ko prank niya lang 'yun dahil palagi nalang akong nabibiktima niya pero hindi pala.

Huli na nang sabihin ko kina Mama at Papa ang tungkol sa mensaheng 'yon, at ngayon ako sinisisi nila.

"Miss, okay ka lang?" Napatingin ako sa kamay ng lalakeng katabi ko, may inilahad siyang panyo sa 'kin.

Ang sama naman siguro kung hindi ko ito tatanggapin kaya kinuha ko nalang ito at nagpasalamat.

Isasauli ko na sana ang panyo niya pero agad rin naman itong lumabas at naiwan 'yung bag niya. Iihi muna siguro.

Dumungaw nalang ako sa bintana ng bus para matanaw sa huling beses ang aking kinalakihang bayan. Mas mabuti siguro dun muna ako kila Lolo at Lola, mas maiintindihan nila ako.

"Manong wait lang po." Napasigaw ako nang magsimula nang umandar ang bus. "May pasahero pang nasa labas."

Naghintay kami ng ilang segudo at dumating 'yung lalake pero dun siya sa unahan umupo. Makakalimutin siguro 'yung lalakeng 'yun, gwapo pa naman sana. Natawa nalang ako, nandito kasi ang bag niya sa tabi ko.

Mamaya ko na ito ibibigay kapag bababa na siya.

Umandar na yung bus.

Sumandal ako sa bintana at isinalampak ang headsets sa 'king tainga. Ipinikit ko ang aking mga mata at natulog.

- - -

Nagising ako dahil sa tunog ng bakal na tinapik, huminto pala ang bus. Mula sa unahan ay bumaba ang isang pasahero.

Umayos ako sa pagkakaupo at tinignan sa labas ang address kung nasaan na ako ngayon.

Malayo pa pala, sa tantiya ko'y isang oras na lang na biyahe.

Napatingin ako sa 'king tabi- naku nakatulog ako! Nandito pa pala yung bag ng lalake. Tumayo ako at sinubukan siyang hanapin.

Wala na siya.

Paano na 'to ngayon? Nakalimutan niya ang bag niya.

Mas mabuti siguro na tingnan ko ang laman ng bag niya, baka may wallet siya o I.D. para makilala at masauli 'to.

Kinuha ko 'yung bag, medyo mabigat siya. Andami sigurong gamit sa loob nito, sayang naman kung makukuha ng iba. Importate siguro 'to.

Pero nagimbal ako sa 'king nakita sa loob.

0:12

Isang cellphone

0:10

0:09

Sari-saring wires.

0:05

0:03

At isang kumpol ng dinamita.

"Bo-bomba." Nauutal kong sambit.

0:00

...

Bus [One-Shots] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon