Matapos makababa sa bus ay paggewang-gewang akong naglakad papalibot. Dahil sa ako ang naunang bumaba ay nabibilang ko kung ilan ang nakatakas.
Bwisit na buhay.
Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan siya.
"Ma'am?"
"Secure the area, maraming nakatakas. Pagsasakin n'yo 'yang nakatakas na mga pasahero."
"Opo Ma'am Amanda."
Agad kong tinapos ang tawag at pinasabog ang usok na nakalagay sa ilalim ng bus. Gusto kong ipalabas na parang sasabog na talaga kahit hindi naman.
Mula sa labas ay kitang-kita ko ang paglabas ng babae sa bus. Sinalubong ko siya't yinakap sabay saksak ng kutsilyo sa sikmura.
"Salamat sa serbisyo." Bulong ko at tinulak siya pahiga sa lupa na walang humpay sa paninginig, pag-ubo ng dugo at walang humpay sa pag-agos 'yong dugo sa butas ng sikmura.
Habang nakatitig sa mata ng babae ay naalala ko 'yong dryaber kanina na pinainom ko ng lason, nakakatawa ito kung sumuka't umubo ng dugo.Buti na lang din at nandoon ang ilang kalalakihan ko at nagawa nilang iliko ang bus sa bangin. Umayon talaga lahat sa plano.
Mangilang-ngilan din ang mga pasahero sa loob ng bus. Iilan sa kanila'y nasugatan at nabalian kaya 'di makalabas. Balak ko na sanang pasasabugin 'yong bomba ko na iniwanan sa loob ng bus nang biglang may batang lalakeng lumabas.
Takot na takot ito at panay sa paglingon animo'y may hinahanap o hinihintay.
At nagtagpo ang mga mata namin, saglit kaming nagkatitigan at siya ang unang kumalas sa 'ming titigan. Dahan-dahang dumausdos ang mata niya't napako sa bangkay na nasa harapan ko.
"Ate?" Utal niya't nagsimulang matakot.
Sobrang lakas ng paghinga nito't kitang-kita ko ang kaba sa kaniyang mga mata.
"Sasama ka ba sa 'kin?" Tanong ko sa bata.
Nabaling ang tingin niya sa 'kin muli at napaatras, batid kong nalaman niya na ako ang may sala sa babaeng walang buhay na sa harapan ko.
Sa isang kisap-mata ko'y nakita kong bumalik ang bata sa loob ng bus. Napailing na lang ako't tinalikuran siya, nagtungo ako't nagtago sa likod ng malaking puno.
"Sinayang mo ang offer ko bata." Sumilay ang ngiti sa 'king labi at pinindot ang buton na kanina pa ako nasasabik.
Ilang saglit pa'y bumaha ang malakas na liwanag sa madilim na paligid na nasundan ng pagsabog, ang apoy nama'y kumalat agad sa paligid.
"Tapos."
...