School Experience story by: H. Lisondra

807 15 0
                                    

(3rd week of october 2016 po 'to nangyari).

5:30 na ng hapon pero pa rin kami umuuwi, hobby na kasi namin ang magpalipas oras sa classroom eh, minsan nga 6:00 na hindi pa rin kami umuuwi. Nasa 2nd floor yung room namin at pangalawa rin. Pauwi na kami at nadaanan namin yung katabing room namin, madilim na at wala ng tao sa classroom nila, tinignan ko ang bintana ng room nila at nagulat ako sa nakita ko kasi may nakita akong babaeng puro itim at naka upo siya sa harap, naka talikod siya sakin kaya hindi ko nakita yung mukha. Hindi ko akalain na pati sa school ay makakakita ako ng mga ganyan school kasi ang tinuturing ko'ng safe place sa mga multo eh. Tinakpan ko na lang ang mukha ko para hindi na ako makakita ng mga kung ano-ano'ng bagay. 

Biglang nanlamig yung kamay ko at nagtaasan yung mga balahibo ko tinanong ako ng mga kaklase ko kung ano raw ang nangyari sa'kin, nagdalawang isip ako kasi baka hindi sila maniwala pero parang may nagtulak sa'kin na sabihin sa kanila ang nangyari at nagulat ako dahil naniwala sila. Simula nun may iba't iba na akong naramdaman o naririnig sa classroom namin o kahit saang building basta malapit sa building namin.

Kinabukasan, pauwin na kami 5:30 as usual biglang tumakbo yung isa kung kaklase sa tabi ko at sinabi niyang may nakita rin siyang naka itim malapit sa CR dun sa baba  sa2nd room din. Makalipas ang ilang araw, kakatapos lang naming maglinis kaya lumabas muna ako saglit para magpahangin pero nakita ko yung mga kaklase ko na nagsilabasan na rin kasi mag didilim na raw namalayan ko na lang na bag ko na lang ang natira sa loob kaya na pilitan akong kunin yun kahit madilim na. Wala kasing ilaw yung classroom namin. Pagpasok ko pa lang naramdaman kung may nakatingin sa'kin pero hindi ko ito nilingon at yumuko lang ako habang naglalakad papunta sa upuan.

Makalipas ang ilang araw, 5:00 naglilinis kami. Yung iba nag flo-floor wax, yung iba naglilinis ng bintana at ako naman nagwawalis malapit sa cr hindi kasi nila tinapos at niligpit yung ibang kalat kaya ako na lang ang gumawa. Nagwawalis ako ng may narinig ako'ng nagsasalita nanggaling yung tunog sa loob ng CR, hindi na kasi namin ginagamit yung cr kasi madumi iyon kaya naisipan namin i-lock na yun at wala ni isa sa mga kaklase ko ang may hawak ng susi kasi binigay namin kay ma'am.

Palapit ng palapit ako CR at mas lalong naging malinaw yung tunog. Binabanggit niya yung pangalan ko, boses babae at umiiyak siya. Ilang ulit niyang binabanggit yung pangalan ko kaya nainis na ako at umalis na lang, nung una hindi ko naman pinansin at inisip na guni-guni ko lang yun pero nung nandun na ako sa harap ng pinto ng Cr dun lang naging malinaw sa akin na tinatawag niya talaga ako. Iyon na ang huling beses na may nagparamdam sa kin sa building na 'yon. Third grading na ngayon at nilipat kami ng classroom, hinati kasi kami eh kaya ayun naghiwa-hiwalay kami ng iba kong kaibigan. Nilipat kami sa ibang building, malaki yung building na 'yon at luma na. Pero wala pa naman akong na engkwentro na mga kababalaghan.

☠☠☠True Horror Stories (based on your experiences)☠☠☠Where stories live. Discover now