Haunted Masion by E. Rodriguez

453 7 0
                                    

Sa isang lugar sa bayan ng Bartolome (hindi totoong lugar), may isang mansiyon na pagmamay-ari ni Donya Lilay. Nakatayo o nakatirik ito sa kanto ng isang pa-kurbang daan na hindi naman matarik. Usap-usapan sa lugar na may kung anong misteryo na bumabalot sa tarangkahan sa gawing gate nito. Ayon sa mga nakaranas nang misteryong ito, ay parang may sumasakay raw na hindi nakikita o di kaya mararamdaman mo na sadyang itinutulak ka papunta sa rehas na bakal na siyang gate ng mansiyon upang bumangga o mabangga dito. Ang ilan sa mga nabangga o bumangga dito ay namatay.

Karaniwan sa mga bumabangga o nababangga dito ay mga tricycle o di kaya mga single na motor. Mula nang ako ay mag-kaisip, sa pakiwari ko ay may lima o higit pa na sasakyan na ang naaksidente sa lugar. At ang unang nabalitaan na bumangga o nabangga sa gate ng mansiyon ay single na motor, sinundan ng tricycle at nasundan pa ng ibang mga sasakyan.

Noong ako ay bata pa, edad 11 anyos habang binabaybay ko ang kurbadang daan bigla nalang akong hinabol nang isang aso. Saglit akong napatingin sa kaniya at nakita ko na kulay brown at mabalahibo ito. Naka taas pa ang dalawang tainga nito. Pagharap ko sa daan, laking gulat ko nang makita ang tarangkahan ng mansiyon at doon bumangga. Sa sobrang sakit nang pagkakabangga ko sa gate hindi agad ako nakatayo. At dahil sa bata pa ako noon, hindi ko agad naisip ang kakaibang bagay bagkos naisip ko lang na sisihin ang asong humabol sa akin kaya ako nabangga. Nang medyo okay na ang pakiramdam ko tumayo na ako at muling sumakay ng aking bisekleta at hindi ko na nakita pa ang asong humabol sa akin kanina.

Third year highschool naman ako nang manyari ito, dahil sa likas akong palakaibigan noong highschool madami akong naging kaibigan at barkada. Isa na dito si Cecile (hindi tunay na pangalan), noong mga panahon na iyon meron siyang boyfriend na si Mark (hindi din tunay na pangalan). Hindi ko na matandaan ang eksantong petsa at taon kung kailan nangyari ito basta isang gabi namatay si Mark na boyfriend ni Cecile. Nabalitaan nalang namin na naaksidente siya sa pa-kurbang daan na kinatitirikan ng mansiyon. Bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa bakal na poste malapit sa tarangkahan ng mansiyon. Sa lakas nang pagkakabangga niya, umipit ang kaniyang ulo sa pagitan ng bakal na poste at gate ng mansiyon na naging sanhi nang kaniyang kamatayan. Samantalang ang angkas naman niya ay kritikal. Hindi ko na nabalitaan kung namatay o nabuhay ang angkas ni Mark ng gabing naaksidente silang dalawa sa motorsiklo.

Makalipas ang madami pang mga taon... taong 2017, sa panahong ito masasabi kong kakaiba pala talaga ang pakurbang daan na lugar na kinatitirikan ng mansiyon at nakaka-pangilabot sa pakiramdam kapag dumadaan o napapadaan ka sa lugar. Dahil sa isa ko na namang karanasan sa lugar na ito na nangyari na rin sa akin noon. Muli kong binaybay ang kalsada sakay nang aking side car/tricycle sa bilis na 80 klmeters/hour. At bago ako dumating sa pangatlong bahay ay binabaan o binagalan ko pa ang aking takbo mula 80 ginawa ko nalang 60 klmeters/hour. Sa puntong iyan, papasok na ako sa pa-kurbang daan kaya muli kong binabaan ang aking pagpapatabok at ginawang 50klmeters/hour. Pero laking pagtataka ko ng biglang bumigat ang aking side car at pakiramdam ko na tinutulak ako papunta sa tarangkahan ng mansiyon. Sinubukan kong pigilan ang aking manibela dahil alam ko na mababangga ako sa rehas na bakal na siyang gate ng mansiyon. Ilang hakbang nalang ang layo ko sa gate nang ma-i-preno ko ang aking tricycle at dali-dali akong bumaba mula dito. Pagkababa ko sa aking tricycle agad kong nasabi ang "bakit ka sumakay" na animo'y may kausap ako. Agad din akong nagdasal at tinawag ang Diyos bago muling sumakay sa tricycle at umalis. Hindi na ako nagtangka pa na tingnan ang mansiyon. Habang buma-biyahe ako palayo ng mansiyon, hindi pa rin mawala sa akin ang takot at pagtataka dahil sa nangyari.

Pagdating ko sa Barangay Hall, agad kong in-inspeksiyon ang aking tricycle sa dahilan na baka nagka-problema lang talaga ito. Matapos ko itong masuri ay okay naman ang lahat. Kaya nagtataka ako kung bakit ganoon ang nangyari at pakiramdam ko kanina. Doon ko din nakumpirma at nalaman na hindi lang pala ako ang nakaramdam ng ganoon sa pa-kurbang daan na kinatitirikan ng mansiyon. At doon ko din napatunayan na may misteryong bumabalot sa tarangkahan ng mansiyon na naging dahilan nang pagkamatay ni Mark at iba pa. Patunay dito ang mga damage sa rehas na bakal na gate ng mansiyon kung ilang sasakyan na ba ang bumangga dito at ilang tao na din ang namatay doon.

Awa nang Diyos at hindi nangyari sa aking ang aksidente na posible ko din sanang ikamatay. Sa ngayon, wala na akong nababalitaan na may nangyayari pa ding aksidente sa kurbadang daan at sana wala na talagang mangyari pa. Para wala nang mga buhay ang basta nalang mawawala dahil sa misteryong tarangkahan ng mansiyon ni Doniya Lilay.

☠☠☠True Horror Stories (based on your experiences)☠☠☠Where stories live. Discover now