Devisha's POV
Papunta na kami sa third mansion, hinatid pa din kami ni Gel dahil wala nga kaming masasakyan. Psh.
Until now still kinukulit pa din nila Mathelle si Gel. Ang ingay nga nila eh. Pero dahil curios ako so sumasali ako sa kanilang pangungulit. Curiosity kills.
"Sige na, please, sumama ka na sa amin. Gusto ko talaga kitang makilala" sabi ni Tanya sabay pout.
"Tigilan mo nga ako sa pagpo-pout mo dyan! Hindi nga pwede" sabi ni Gel while driving.
"Eh diba, bestfriends na tayo? Sige na" pangungulit ko
"Hindi nga pwede. Secret mo na yun!" sabi ni Gel
"Psh" sabay na sabi namin ni Tanya. Si Mathelle naman ay busy sa pagsou-sound trip
[Stay- Blackpink]
"Malapit na tayo" sabay pout na sabi ni Tanya
"Lakad ulit tayo I mean gumala ulit tayo" sabi naman ni Gel
"Number mo. Para text-text tayo" sabi naman ni Mathelle. Nag patuloy lang siya sa pagso-sound trip at ang plinay naman ay ang Blood Sweat Tears ng BTS.
"Akin na phone niyo" sabi niya. Binigay ko sa kanya phone ko at nagstart na siya sa pagsave ng number niya sa phone ko. Binigay na din nila Tanya at Mathelle ang kanilang phone.
"Nandito na tayo" sabi ni Mathelle
"Ipapasok ko sa gate ang kotse ko, okay lang?" tanong niya
"Oo naman!" sabi ko
"Mukha lang talagang normal na mansion ang pinasukan mo, mukhang hindi mafia ang may-ari ng mansion. Dahil normal na naglalakad ang mga maids, hardinero at mga butlers sa labas ng bahay. Hindi halata na behind their costumes are the hidden deadly weapon.
May mga guards na tumitingin sa sasakyan namin at may parang sinasabi sa uniform may hidden phone daw then doon sa uniform nila.
Hinatid talaga kami ni Gel sa harap ng mismong bahay namin.
"Ang creepy naman dito! Ang daming nagkakalat na mga maids, guards, gardeners and butlers" sabi ni Gel
"Masanay ka na" sabi ko
Nagkibit balikat na lang siya at lumabas na sa kotse. Sumunod kami sa kanya, lumabas na din kami at pagkababang pagkababa ay nagfomation agad ng straight line ang mga nanarbaho sa mansion na malalapit dito at nagsimulang magbow. Tss.
"So see you soon!" sabi ni Gel sabay ngiti
"Hindi ka papasok?" tanong ko sa kanya
"Ahh.. Hindi na, nagmamadali kasi ako. Sige! Bye!" sabi niya at pumasok na sa kanyang kotse.
"THANKS FOR THE RIDE!" sigaw ni Mathelle na walang kasiguradahan na narinig ba ni Gel ang kanyang sinabi.
"So, tara? Aawayin pa natin sila Jaiden" sabi ni Tanya
"For?" tanong ni Mathelle
"Gosh ang slow mo! Diba iniwan nila tayo? So, ano revenge?" sabi ko
Napangiti na lang sina Tanya at Mathelle sa inasal ko.
"REVENGE!" sabay na sabi nilang dalawa.
Papunta kami sa training room. Nag tra-training kasi sila sa ganitong oras.
"Nasaan ang tatlong ugok?" tanong ni Tanya sa taong nagpra practice din na malapit sa amin.
Bago ito sumagot, nag bow muna siya at saka nagsalita. Kagalang-galang ba kami?
YOU ARE READING
Miss Nerd's Revenge
Teen FictionMga revenge na simple lang ang rason para sa mga mata LANG ng mga taong walang kaalam-alam sa mga nangyayari.They didn't even know that behind that revenge there is a BIGGER MEANING.But before that, tuklasan muna natin ang mga nangyari sa kanya befo...