Pahina

19 5 0
                                    

Tahimik lang siyang nagbabasa ng maamoy niya ang pamilyar na pabangong yun.

"Hi! Read this." bati nito sabay abot ng klasikong libro na kanyang paborito.

Naguguluhan man sa biglaang paglapit nito ay nakangiti niyang inabot ang libro.

"Basahin mo ha!" sabi nito habang kumakaway.

Isang tipid na ngiti bago niya binasa ang pabalat. Romeo and Juliet. Binuklat niya ito, ang lumang amoy ng papel ang bumungad sa kanya. Nakunot ang noo niya ng may mapansing nakasulat sa ibabang pahina nito.

"Look at page 3." sinunod niya ang nakasulat.

"Page 47. Haha." Lipat.

"Page 30 pala." Lipat.

"Joke. It's on page 100." Lipat.

"Pagod ka na ba? Sa page 88 na talaga."

Nangingiti niyang nilipat, naalala niya ang kalokohang ito nung elementary siya, na kapag nakarating ka sa dulo ay ang nakalagay lang ay ang uto-uto mo or paulit-ulit na lang ang pahinang binabalikan mo.

Niloloko lang ata siya nito, ilang pahina na ba ang nabuklat niya, hindi pa siya nakakarating sa dulo, sumasakit na ang kamay niya kakalipat.

"You've gone this far, so this is it. On the last page please."

Nilipat niya ang pahina sa huli. Kumurap-kurap siya ng ilang ulit.

'I love you, can you be my girlfriend?' Isang ngiti ang hindi mapigilang lumabas sa labi niya, mahal din siya ni Greg?

Ngunit unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng luha ng mabasa niya ang pangalan sa ibaba, hindi pa pala doon nagtatapos ang mensahe.

'I love you, can you be my girlfriend Rosie?'

She should be happy, she should be, she needs to be happy. But she's not Rosie, she is Elsie. Rosie's twin.

Pahina (A One-Shot Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon