FEATURED STORY

180 20 5
                                    

Gusto kong idagdag ang Featured Story section sa Book Club Natin as a way of helping you, dear members to gain more reads and comments to your story.

Lahat ng members sa book club na ito ay may chance na maging featured ang kanilang story.
Pero hindi rin required na basahin ng lahat ng members ang featured story. May choice ang bawat miyembro kung babasahin nila ito o hindi. Pero magbibigay ako ng malaking point sa members na magbabasa ng featured story. At ako rin mismo ay magbibigay ng Vote and Comments sa 5 parts ng ating featured story.

Paano nga ba maging featured ang story ng isang member ng BCN?

Para maging featured story ang akda n'yo, kailangan ninyong makalikom ng maraming points. The member with highest points ang mananalo ng ating Featured Story Award.

Paano makalikom ng points?
Ang mga nakasaad sa ibaba ang makatutulong sa inyo para magkaroon ng points at para ma-feature ang inyong kuwento.

1. 25 points - Kapag binasa ninyo ang 5 parts ng ating featured story at binigyan ninyo ito ng Vote at Comment per part.

2. 10 points - Kapag ikaw ang pinakaunang nakatapos ng ating pairing task.

3. 5 points - Kapag natapos ang pairing task before the deadline.

Kapag nanalo kayo sa ating Featured Story Award, kayo ang pipili kung anong story n'yo ang gusto ninyong i-feature.

Ayos ba? But wait, may mas maayos pa rito. Kapag na-featured na ang inyong story at lumagpas ng 50 points ang inyong nalikom, hindi magiging back to zero ang iyong points. Ide-deduct lang ang 50 points sa iyong total points at ito ang iyong magiging start-up points.

For example:
Binasa mo ang featured story at binigyan ng vote and comments ang 5 parts nito. Mayroon ka na agad 25 points.
Tapos ikaw rin ang pinakaunang nakagawa ng pairing task, mayroon ka na ring 10 points.
At dahil nagawa mo rin ang task before the deadline, mayroon ka ring 5 points. Then sa next pairing, binasa mo na naman ulit 'yung featured story, mayroon ka na namang 25 points.

Ang kabuuang bilang ng nalikom na puntos ay:
25+10+5+25 = 65 points

Pagkatapos ma-feature ng iyong story, 50 points lang ang kukunin sa nalikom mong 65 points.
Kaya ang magiging start-up points mo ay 15 points agad.
Dahil d'yan, may chance na namang maging featured ulit ang iyong story.
(This rule is revised. The winner's points will be back to zero para mabigyan ng chance ang ibang member. Pero puwede pa rin naman humabol para maging Featured Story ulit ang akda n'yo.)

Kaya kung gusto n'yong paulit-ulit na mai-featured ang inyong akda, alam n'yo na ang gagawin.

At sa bawat posting ng featured story, ime-mention ko kung ilang points na ang nalikom ng bawat member.

Ayos na ayos ba?
Exciting ba?
Kaya sana ay ma-encourage kayong gawin nang maigi ang tasks sa Book Club Natin.

Kung mayroon pa kayong katanungan, mag-comment lang sa ibaba at malugod ko kayong sasagutin. :)

Book Club Natin (CLOSE)Where stories live. Discover now