BCN Season 2

111 19 24
                                    

Hello, BCNians!


Pasensya na at hindi ako naging active this past few days. Masyado lang akong busy sa pag-aayos ng mga bagay-bagay.

Kasama sa mga pinagkakaabalahan ko ay ang pagbubukas ng panibagong season ng Book Club Natin.


I'd like to announce that BCN Season 1 is now officially close.


Pero huwag kayong kabahan...because BCN Season 2 now officially open!

Hindi tayo magsasara at mawawala, maglilipat-bahay lang tayo. Gusto kong palakihin pa ang ating komunidad kaya bubuksan ko na ang pintuan para sa mas marami pang manunulat. Hindi lang din ako ang magpapatakbo sa bago nating book club. May co-admins din akong tutulong sa akin para mas maayos pa ang maging takbo ng BCN. Hindi ko na kasi kayang mag-isa. Nakakalungkot. Charot!

Sa mga miyembro na hindi pa tapos sa kanilang task, pakitapos na bago kayo sumali sa Season 2. Hindi namin kayo tatanggapin doon kapag mayroon kayong pending tasks dito.

At sa mga blocked members natin, pasensya na rin kung hindi ko na kayo maaaring tanggapin sa Season 2 at sa mga susunod pang Season ng BCN. Magbago man kayo ng UN, malalaman at malalaman ko rin iyan. Isa akong matanglawin, beybeh! Kaya pasensya na talaga.

Nais ko ring malaman n'yo na hindi na ako magiging maluwag sa Season 2. Prone ako sa pagiging abused dahil sa hindi ko paghihigpit masyado e. Pero kung marunong namang sumunod sa rules, alam n'yo namang wala akong magiging problema sa inyo 'di ba? :)

At sa mga story na hindi ko pa nababasa (Featured story at blocked member's task), huwag kayong mag-alala dahil gagawin ko talaga 'yan. Please give me more time, okay? :)


At sa members na tapos na sa kanilang task, magbalot na tayong lahat at maglipat-bahay sa bago nating account: bookclubnatin

Pakibasa rin ulit ang ating Guidelines and Rules dahil may dinagdag ako. You will be accepted kapag nagawa ninyo nang tama ang kailangang gawin. Kaya naman pakibasa iyon para guided kayo sa mga gagawin.


Magsisimula ang unang pairing ng BCN Season 2 ngayong April 19, 2017 (BCN's 5th month).

Let's take a long break before starting, alright?

Ipo-post din namin ang First Featured Story kasabay ang posting ng ating pairing.

Ang total scores ng members na nalikom base sa huling task ng Season 1 ay dadalhin pa rin doon sa Season 2. Ito ang magiging start-up scores ng members.

Ipo-post ko rito mamaya ang Total Scores for the last task.

Once na sumali ang Season 1 members sa Season 2 natin, iche-check namin agad ang total points n'yo rito para maging start-up points sa Season 2.


Is it clear? Kung may questions kayo, please feel free to ask. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Book Club Natin (CLOSE)Where stories live. Discover now